Farm to table...TARA NA SA FARMKO
Happy New Year po sa inyong lahat!
Ang team ng Masaganang Buhay ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong lahat dahil sa inyong walang sawang suporta, Season 17 na ang paborito ninyong Agricultural TV-Show.
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakaganda at napakalawak na farm sa Dolores Quezon.
Ang akin tinutukoy ay ang FarmKo na ang creator/founder ay si Oliver “Oli” Sio, makikita ito sa Sitio Central, Dolores, Quezon.
Kung ang nais po ninyo ang perfect blend of adventure and relaxation’ ay inirerekomenda ko po sa inyo ang 54 na ektaryang FarmKo.
Dalawang beses na akong nag-overnight sa FarmKo. Ang una ay kasama ko ang aking pamilya at ang “Marites group.”
Ang ikalawa ay kasama ko ang buong team ng Masaganang Buhay kung saan kami nag-bonding at nagdaos ng mini Christmas Party.
Kung pupunta kayo at mag-stay ng overnight sa FarmKo, hindi mo kailangang magbaon at magdala ng pagkain dahil mayroon silang unlimited na breakfast, lunch, dinner at tatlong beses na miryenda.
Mag-e-enjoy ka na sa magandang tanawin ng Mt. Banahaw, magandang ambiance, magandang accomodation, magandang ammenities, pool at playground access ay busog lusog ka pa sa FarmKo.
Unlimited din ang coco water, malilinis at maganda ang kanilang mga dome tent at cabin.
Puwede ka rin magbilyar, arcade, sumakay ng ATV, aqua, fish massage at marami pang iba’t ibang aktibidad na puwede ninyong gawin sa FarmKo.
Sa FarmKo ay pinapangalagaan nila ang lupa sa pamamagitan ng natural composting kaya magaganda at malulusog ang kanilang mga tanim na iba’t ibang green leafy vegetables at fruit bearing trees.
Ayon kay Oli, “healthy soil is the foundation of sustainable farming.”
“FarmKo nurtures the land through na-tural composting, crop rotation and eco-friendly practice by caring for our soil. We ensure fresh nutritious produce and preserve the environment for future generation,” sabi pa ni Oli.
Maging ang paggamit ng tubig ay binibigyan din ng kahalagaan sa FarmKo kaya naman malulusog ang kanilang mga alagang iba’t ibang uri ng isda, tulad ng tilapia, cream dory at iba pa.
Bunsod nito ay nananawagan si Oli sa publiko na makiisa sa kanilang isinisulong na kampanya na “good practice of farming.”
“Join the movement, experience sustainable farming and create lasting memories at FarmKo,” pahayag pa ni Oli.
Sa FarmKo, siguradong kang safe, fresh at sustainable. Kaya ano pang hinihintay n’yo, tara na sa FarmKo.
Sa mga nagnanais bumisita sa FarmKo ay magpa-book lang po kayo sa kanilang FB page at profile na FarmKo. Mag-text o tumawag sa kanilang cell number na 09175203454. Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo ang kolum ng Magsasakang Reporter.
Ngayong Linggo, January 5, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at garden tour kay Oliver “Oli” Sio sa kanilang napakagandang FarmKo sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag pong tawag ah, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest