^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kalasingan: ugat ng road accidents

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kalasingan: ugat ng road accidents

Ngayong Disyembre lamang, umabot na sa 284 ang mga aksidente sa kalsada. Ayon sa Department of Health (DOH) ang mga aksidente ay nangyari mula Disyembre 22-27, 2024. Mataas umano ito ng siyam na porsiyento noong Disyembre 2023. Numero unong dahilan kaya nagkaroon ng aksidente sa kalsada ay dahil sa pagmamaneho ng lasing. Ilan pa sa dahilan ay ina­antok at pagod ang drayber, gumagamit ng cell phone habang nagmamaneho at hindi pagsunod sa trapiko at road signs. Marami rin sa mga drayber ang hindi naka-seatbelt at hindi sumusunod sa speed limit.

Noon pa man, ang pagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak at pinagbabawal na droga ang nangu­ngunang dahilan ng mga malalagim na aksidente sa kalsada. Dahil sa kalasingan, hindi na nakokontrol ang sasakyan­ at halos lumipad na. Bumabangga sa poste, puno at pader. May mga inaararong pedestrians at mga bahay na nasa gilid ng kalsada.

Ang mga malalagim na aksidente sa kalsada ang naging layunin kaya isinabatas ang Republic Act No. 10586 (Anti-Drunk and Drugged Driving Act) noong 2013. Subalit sa kabila na naisabatas, marami pa rin ang lumalabag at nagmamaneho nang nakainom ng alak at nakagamit ng illegal na droga. Mula 2013 hanggang sa kasalukuyan, marami nang namatay dahil sa drunk driving hindi lamang ang driver kundi pati na ang mga pasahero at pedestrians na inaararo ng sasakyan.

Ang lubhang nakapagtataka ngayon ay walang sapat na kagamitan ang Land Transportation Office (LTO) upang ma-test ang drayber kung nakainom ito ng alak o nakagamit ng droga. Ilang buwan na ang nakararaan, sinabi ng LTO na balak umano nilang bumili ng mga karagdagang breath analyzer upang maipatupad nang maayos ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act. Sa kasalukuyan daw, mayroon silang 750 breath analyzer pero hindi umano nila sigurado kung maari pang ga­mitin ang mga ito sapagkat binili pa raw ang mga ito noong 2015.

Kung 2015 pa binili ang breath analyzers posibleng expired na ang mga ito ngayon. Nasayang ang pera ng taumbayan dahil hindi nagamit ang mga ito.

Ayon sa mga pag-aaral, 10 tao ang namamatay araw-araw sa Pilipinas dahil sa pagmamaneho ng lasing o nakadroga. Sa ilalim ng RA 10586, ang mahuhuling nagmamaneho nang lasing sa alak at lango sa droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Magmumulta naman ng P200,000 hanggang P500,000 kung may namatay.

Kumilos naman sana ang LTO at pagsikapang ma­kabili ng breath analyzer. Mahalaga ito. Paano maipa­tutupad ang RA 10586 kung walang equipment gaya ng breath analyzer. Ang pagkainutil sa pagpapatupad ng batas ang dahilan kaya maraming napapahamak.

KALSADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with