^

PSN Opinyon

Ang pagdamay ng Damayan sa mga taga-Navotas at Calapan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MASUWERTE ako at naging empleyado ng Star Group of Publication at nakasama sa operasyon ng Damayan sa dalawang lugar na pinalad na mabigyan ng maagang pamasko. Aking nasaksihan ang iba’t ibang reaksyon ng ilan nating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Labis ang kanilang pasasalamat sa natanggap na regalong ipinamahagi ng Damayan.

Noong December 16, unang namudmod ng maagang pamasko ang Damayan sa mga taong nakatira sa tabing dagat ng Navotas na maituturing ng isang liblib na lugar na tinaguriang Isla Uling. Sobra ang kahirapan sa buhay ang kanilang dinaranas, halos barong barong lamang ang kanilang mga tinitirahan at walang kuryente kung kayat pawang mga gasera lamang ang kanilang gamit sa oras ng kadiliman.

Nakalubog sa putik ang mga daanan at sa mahabang dike ng mga palaisdaan ang tanging daan upang marating ang kanilang lugar at sa panahon ng tag-ulan lubog sa tubig-dagat ang kanilang kapaligiran. Ang higit sa lahat na aking napansin halos karamihan sa mga kabataan ay hindi halos nakapag-aral dahil kailangan pa nilang sumakay ng bangkang di-motor upang makarating sa kabayanan.

Walang doctor o health center kung kaya karamihan sa kanila’y malala na ang karamdaman bago madala sa ospital. Kung kaya’t ng marating ng aming grupo ang naturang lugar ay maging kami ay nakaramdam ng kalungkutan, subalit nang aming simulan ang pagbibigay ng pagkaing inihandang sandwiches at hotdog aming nakita ang matatamis nilang ngiti sa kasabikan at kaligayahan.

Maging ang Jollibee ay namigay din ng mga laruan, candy at ang kanilang pamosong chicken joy. Halos lahat ng kabataan at maging ang mga matatanda ay nagkantahan habang inaabot ang naturang pagkain dahil ayon sa kanila sa radyong di-baterya lamang naririnig ang Jollibee. He-he-he.!

Agad naming inabot ang tig-iisang baldeng puno ng grocery, limang kilong bigas at dalawang kilong asukal na nagdulot ng malakas na sigawan at maluha-luhang nagpapasalamat sa aming lahat. At bilang huling bahagi ng aming pamasko sa kanila hinandugan ng Damayan nang isang ba- gong bangkang de-motor upang kanilang magagamit sa paglalakbay patungo sa kabayanan.

Noong December 28, nagtungo naman ang aming grupo sa Barangay Camilmil, Calapan, Oriental Mindoro upang mamigay ng mga regalong grocery, bigas at asukal sa mga taong sinalanta ng baha dahil sa pagka-wasak ng dike.

Mahigit isang libo pamilya ang nakatikim ng pamasko mula sa Damayan, bagamat malayo ang biyahe mula Maynila ay masaya naman ang aming grupo sa paglalakbay. Sakay ng barkong RoRo ang aming dalawang truck na puno ng regalo mula Batangas port at nang aming marating ang Calapan port ay agad kami sinalubong ng aming coordinator na huwag na muna natin banggitin ang pangalan. He-he-he! Agad kaming sumakay sa jeep at habang binabaybay namin ang kalsadang patungo sa naturang barangay ay aking napansin na halos lahat ng kabahayan ay lubog pa sa tubig-baha at karamihan sa taong taga-roon ay sa bubungan na ng kanilang kabahayan nakapatong at ang iba’y lumulusong sa tubig-baha habang nakapanguyapit sa mahabang lubid upang makatawid sa malakas na agos.

Nang simulan ang pamumudmod ay aking napansin na tila natulala ang bawat makatanggap sa aming regalo. Iba’t ibang reaksyon ang aking napansin, nariyan ang ilan ay napaluha habang nakangiting abot-langit, nabibitawan ang dalang regalo dahil sa kabigatan, "ngayon lamang po kami nakatanggap ng ganito karaming regalo". He-He-He! Ang higit sa lahat ang kapansin pansin ay ang pag-aagawan sa pila na nagiging dahilan ng sigawan, subalit di namin sila binigo dahil ang aming dala ay sapat sa lahat ang may ticket na ibinigay ng aming lihim na coordinator.

May mangilan-ngilan ding mga biktima ng baha na nagmula sa ibang Barangay na walang ticket ang dumating upang humingi ng regalo subalit ilan lamang sa kanila ang aming nabigyan sa pasubra naming dala. At matapos ang pamimigay ng regalo agad kaming tumulak pabalik ng Maynila kimkim sa aming puso’t isipan ang labis na kasiyahan na mapabilang sa grupo ng Damayan.

Para sa kaalaman po ng lahat, ang Damayan ay binuo ng namayapang Betty Go Belmonte upang tumulong sa mga taong sinalanta ng kalamidad, inabandonang kabataan, mga biktima ng karaha-san at sa mga taong may mabibigat na karamdaman. At sa kasalukuyan ito’y higit na pinalawak ng buong pamilyang Belmonte at ng Star Group of Publication na mabi- yayaan ang ilan sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. O,mga suki! Ako’y kumakatok sa inyong ginintu-ang puso na makibahagi na rin sa pagbibigay ng tulong, maaari n’yong ibigay ang inyong donasyon sa Damayan sa pamamagitan ng pagsadya sa aming opisina sa Port Area, Manila o kaya’y tumawag sa aming mga teleponong nakatala sa aming mga pahayagan.

AMING

BARANGAY CAMILMIL

BETTY GO BELMONTE

CALAPAN

DAMAYAN

ISLA ULING

KANILANG

NOONG DECEMBER

STAR GROUP OF PUBLICATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with