^

PSN Opinyon

‘Bata... bata, ba’t di ka magtapat’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
MAY KASABIHAN NA MULA SA BIBIG NG BATA LUMALABAS ANG KATOTOHAN. Ang bata kadalasan pinaniniwalaan na totoo ang kanyang mga sinasabi lalu na’t maselan ang paksang pinag-uusapan.

Idinulog sa amin ni Lilian Flores ng Pasig ang kanyang problema hinggil sa apo nitong umano’y minolestiya ng kinakasama ng ina nito.

Itago na lamang natin sa pangalang Laura ang labing-isang taong gulang na biktima. Hindi kasal ang kanyang inang si Jennifer sa ama nitong si Narciso Pucio hanggang sa ito’y maghiwalay ang dalawa.

"Sinabihan ko ang anak ko na mas mabuting mangibang bansa na lamang siya para maging maayos ang buhay ng kanyang ama. Nagpunta siya ng Japan at ako na ang nag-alaga sa kanyang mga anak. Nang magsama na sina Allan at Jennifer naiwan na sa una ang mga apo ko," sabi ni Lilian.

Ika-5 ng Setyembre 2005 nang umalis sa kanilang bahay si Laura. Nagpunta umano ang biktima sa bahay ng kaklase nitong si Ceejay sa Floodway, Cainta, Rizal.

"Ikinuwento ng apo sa harap ng lola at ama ng kanyang kaklase ang umano’y pangmomolestiya sa kanya ni Allan Lagmay. Kaya isinangguni nila ito sa kanilang barangay subalit sinabihan na ilapit na lamang din ito sa Barangay San Miguel kung saan naganap ang insidente," kuwento ni Lilian.

Dumaan sa bahay nina Silvestra Concillado na mas kilala sa tawag na Bitang sapagkat ito ang nakaalam ng kinaroroonan ng lola ng biktima. Nagpatala na ang mga ito ng sumbong hinggil sa reklamo ng bata at pagkatapos ay kinontak na si Lilian upang ipaalam ang nangyari sa apo niya.

"Kinuwento rin ng apo kay Bitang ang ginawa sa kanya ng ama-amahan niya. Ang natandaan ni Laura ay noong Hulyo 2005 nagising na lamang daw siyang nakahubad at katabi sa higaan si Allan. Pilit umanong pinapahipo sa kanya ang ari nito ng paulit-ulit hanggang sa may malapot daw na lumabas nito," salaysay ni Lilian.

Muling naulit ang insidente noong ika-27 ng Agosto bandang alas-10 ng gabi. Nagising na lamang umano ang biktima na katabi si Allan na nakahubad at hinubaran din siya nito. Pinaghahalikan umano siya at hinipo pa ang maselang bahagi ng katawan ito. May ipinakita rin umano sa biktima ng bold scene sa cellphone na pag-aari ni Allan.

"Pinapahalik daw siya ni Allan pero hindi niya ito sinunod at ang ginawa nito ay pinahipo ang kanyang ari, pataas at pababa hanggang sa nilabasan na daw ito. Naulit na naman daw ito kinagabihan ng ika-28 ng Agosto at ganoon daw uli ang pinagawa sa kanya," sabi ni Lilian.

Matapos malaman ni Lilian ang nangyari sa kanyang apo, agad niya itong pinuntahan. Samantala isang barangay security, si Ricardo Aniel ang unang dumampot sa suspek. Ika-6 ng Setyembre ng madaling-araw nang hulihin ito sa kanyang bahay sa Maybunga, Pasig City.

"Kusang-loob namang sumama si Allan at dinala sa himpilan ng pulisya. Nagkaroon ng inquest at ngayon ay nasa piskalya na ng Pasig City ang aming reklamo. Nahaharap siya sa kasong Acts of Lasciviousness," sabi ni Lilian.

Samantala pinabulaanan naman ni Allan ang akusasyon laban sa kanya. Imposible umanong maganap ang sinasabing reklamo sa kanya ni Laura dahil noong araw na ‘yon at sama-sama silang nanonood ng telebisyon.

"Ipinaalam ko sa ama ni Laura ang nangyari sa kanya. Nagbigay naman siya ng pera para sa abogado. Subalit pinabayaan kami ng abogadong kinuha namin. Hindi na ito umattend ng mga hearing hanggang sa makatanggap kami ng manifestation dahil sa mga hearing ay wala na ang biktima dahil nasa ina na nga niya ito," sabi ni Lilian.

Samantala dumating galing Japan ang ina ni Laura, si Jennifer. Nagfile ito ng kasong habeas corpus sa ina upang mapunta na sa kanyang pangangalaga ang bata. Pinaboran ng korte ang hiling ni Jennifer na makuha ang bata sa lola nito.

"Sinabi niya ang kaso sa korte na hiniwalayan na niya si Allan kaya bilang ina ay ibinigay ang bata sa kanya pero ang katotohanan ay nagsasama pa rin silang dalawa," sabi ni Lilian.

Ayon pa kay Lilian, natatakot siya para sa kanyang apo na ngayon ay nasa poder na ni Jennifer na kasa-kasama pa rin nito si Allan. Sa katunayan nito’y nagfile umano ng affidavit of desistance si Laura laban kay Allan dahil na rin sa turo ng ina.

"Hindi naman tinanggap ng fiscal ang affidavit of desistance dahil nga menor-de-edad ang apo ko at ako ang kasama niya noong nagreklamo siya," sabi ni Lilian.

Hangad ni Lilian ang hustisya para sa apong minolestiya ng hayok sa laman na ama-amahan nito. Naturingan pa man ding ikalawang ama ay siya pa umano ang bababoy sa bata.

"Sana habang naghe-hearing kahit na wala siya sa akin ay nasa pangangalaga na lang siya ng DSWD dahil natitiyak kong mapupunta lang sa wala ang kaso ng apo kung mananatili siya sa kanya ina," pahayag ni Lilian.

Sa ganang akin, nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ng Social Worker ang bata at isang psychiatrist, Nakausap na rin ng judge yung bata at kung meron ngang nangyaring pangmomolestiya, hindi ba’t dapat ipinagtapat na nung bata sa mga taong ito. Baka wala naman at nasa likod lamang itong lola sa mga nangyayaring ito.

Masusing iimbestigahan namin ito. Kukunin namin ang kopya ng report ng Social Worker upang malaman kung ano ang nilalaman nito. Bukas ang aming tanggapan para sa panig ng inaakusahan ng lola na nang molestiya sa bata.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09209672854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

E-mail address: [email protected]

vuukle comment

ALLAN

APO

BATA

JENNIFER

KANYANG

LILIAN

NITO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with