NAIA hightened alert ulit
December 17, 2005 | 12:00am
CONGRATS nga pala sa PAGIRIBA ng BIKOLNON, ito ang grupo ng mga Bikolano na naghohotraba sa NAIA.
Binuo ito ni retired General Angel Atutubo. NAIA - Assistant General Manager for Security and Emergency, may dalawang taon na pala ang nakakaraan.
Mga pulis, customs, immigration , airline employees, bumbero, janitor, MIAA officials echetera ang kasapi nito.
Noon Miyerkoles ay tinapos ng grupo ang kanilang Christmas party naging masaya ang selebrasyon dahil sangkatutak ang dumalo.
Para sa mga Bicolano sa airport, mabuhay kayo !
Ang isyu, dinoble pala ang seguridad na ipinatutupad ngayon sa NAIA dahil magpa-pasko.
Ayaw kasi ni MIAA general manager Al Cusi na magpakaang-kaang ang kanyang mga boys sa NAIA.
Sabi nga, inaalagaan ang mga tao todits para malayo sa disgrasiya. Iba na kasi ang nag-iingat.
Gusto kasi ni Al, na siguruhin ang kaligtasan ng lahat ng tao sa paliparan kaya naman matindi ang ipinatutupad na security measures ngayon.
Muling humihingi ng paumanhin ang pamunuan ng MIAA sa mga people na nagpupunta ng NAIA.
Ika nga, Im sorry !
Lahat ng mga kapulisan at intel agents sa airport ay very busy ngayon dehins sila puwedeng mag-file ng leave kaya naman medyo malungkot ang iba sa kanila.
Sabi nga, trabaho lang walang personalan .
Kontrolado ng mga guwardya sa airport ang mga gagong tulisan na gustong mangdugas sa paliparan.
Monitor sila sa bawat kilos nila.
Matindi kasi ang profiling ng mga authorities todits kaya amoy pa lang kilala na nila ang kriminal.
Sabi nga, may baktol. He-he-he !
"Kaya naman pala grabe ang traffic sa airport dahil sa security," sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Dapat lang para ito sa kaligtasan ng lahat ng people na pumupunta sa airport," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"May banta ba sa NAIA ?" tanong ng kuwagong haliparot.
"Matagal na nating alam iyan kamote pero iba na ang nag-iingat."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest