^

PSN Opinyon

Kunsintidor!!!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
Ilang dekada lang ho ang nakaraan kung saan ang Pilipinas ay kinikilala at kinaiinggitan sa buong mundo, lalo na ho sa Asia.

Yabang na yabang ang mga Pinoy pag nangingibang bansa. Iniistima at never bigyan ng problema sa mga airport dahil hindi pa tayo kilala noon sa pagiging illegal alien.

Dagsa rin ang mga dayuhang nag-aaral rito at nais kopyahin ang ating husay at iuwi sa bayan nila. Ang isa sa pinakamarami ay mga agriculturist na nag-aaral sa UP Los Baños.

Pero dahil sa maunlad tayo at masarap ang buhay ay naging tamad ang marami sa ating mga kababayan. Marami sa ating mga kabataan ay pinabayaan sa layaw. Hindi matiis ng magulang ang makita silang nagbabanat ng buto.

Katwiran ng mga nangungunsinting mga magulang, para ba kanino itong mga naiipon namin kung hindi sa mga anak namin. So karamihan sa mga kabataang yan ay hindi nagtapos, nagpabaya at sa huli nilustay din ang inipon at pinaghirapan ng kanilang mga magulang.

Ganyan ho ang nangyari basically sa ating bansa, masyado tayong nagpabaya, akala natin ay laging okay at kung ang mga kapitbahay nating mga bansa ay nagsisikap, sinasanay sa pagbabanat ng buto ang kanilang kabataan at tinuturuan ng mga tamang ugali tayo ho ay kinunsinti natin ang marami sa ating mga kabataan. Kaya heto tayo ngayon.

Problema niyan ang pangungunsinti natin ay hindi natin binigay lang sa ating mga anak, binigay din natin sa mga namumuno sa ating bansa. Masyado tayong nagpabaya at komo akala natin ay hindi tayo maaapektuhan ay pinabayaan natin ang walang habas na pagnanakaw.

Maliban sa kokonting sector na pumapalag sa mga katiwalian ng ating mga opisyal, karamihan ay nagsawalang kibo sa patuloy na panloloko, pagsisinungaling at pandaraya ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Katwiran ng karamihan, ang papalit naman ay ganoon din ang gagawin o ang iba naman ang sinasabi ay wala naman tayong magagawa. Ito ho ay isang uri rin ng pangungunsinti.

Ang pagsasawalang kibo, pagpapabaya at pangungunsinti ay magbibigay ng go-signal sa mga corrupt na opisyal na puwedeng ipagpatuloy ang pagnanakaw gaya ng pagbibigay natin ng masamang ehemplo sa ating mga anak na okay lang na hindi kayo magtapos, magpakatamad kayo dahil nandiyan naman lagi si inay at itay.

Kung sa ating mga anak at apo ang dapat nating isipin ay hindi natin sila makakapiling habambuhay sa mga corrupt na opisyal ng gobyerno naman ang dapat nating isipin ay pagdurusahan natin sa kinabukasan ang kanilang walang habas na pagnanakaw.

Kung patuloy tayong mangungunsinti sa ating mga kabataan at pagsasawalang bahala sa katiwalian ng gobyerno, wala tayong sisisihin kung hindi tayo at ang paghihirap natin ay lalong lalala at masasadlak ang bayan natin sa mas matinding kalagayan.
* * *
Nakakatawa si Don Miguel de Exile at Donya Gloria de Bilyon y Sinungaling. Akalain n’yo sinasabi nila na maganda na ang ekonomiya, mataas na ang peso, tigilan na raw ang mga pagbanat sa kanila, dahil hindi raw makakabuti … dapat tuluy-tuloy na ang magandang Pasko. Aba! Ano ba sila hilo? Patayin ko nga ang aming TV. Napakamahal ng kuryente tapos puro kabulastugan lang ang maririnig ko sa kanila!!! Ito namang si Senyor Garci de Turban, nakakahilo habang iniimbestigahan sa Kongreso, napakalikot sa upuan, uupo, tatayo, iikot ang ulo sa kalapit hanggang sa likuran niya. Mahirap talaga ang magsinungaling. Hindi kaya naiisip ni Ginoong Garci de Turban na siya ay matanda na at ilang araw na lang ang natitira sa magulo niyang buhay? Dapat lahat ng salita na lalabas sa kanyang bibig ay pawang katotohanan lamang. Baka bigla siyang kunin ni Lucio de Satanic hindi siya makarating kay San Pedro. Pati sina Kongresman Pechay y Kalabasa, tagapagsalitang Eduardo Ermitano at Bunyeta mag-isip-isip kayo!!! Hahatulan kayo ng bayan!! Pupulutin kayo sa parang kung saan maraming mandaragit, dadalhin kayo sa kadiliman at presto maglalaho kayo sa mundong ibabaw. – Elizabeth Agbulos ([email protected])
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

vuukle comment

ATING

DON MIGUEL

DONYA GLORIA

EDUARDO ERMITANO

ELIZABETH AGBULOS

GINOONG GARCI

NATIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with