^

PSN Opinyon

Paghahanda

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA anumang gawain – maging ito’y sa opisina, sa bahay, sa lansangan — upang ito ay maging mabunga at kapaki-pakinabang, tayo ay naghahanda.

Sa pagdating ni Jesus, lalo’t higit kailangan ang paghahanda. At ito ang buod ng Ebanghelyo para sa araw na ito ng Linggo, Ikalawang Linggo ng Adbiyento (Mark 1:1-8).

Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Jesus na Anak ng Diyos. Nagsimula ito noong matupad ang hula ni Propeta Isaias: "Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo, ihahanda niya ang iyong daraanan. Ito ang sinasabi ng isang sumisigaw sa ilang: "Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!"

Dumating nga sa ilang si Juan, nagbabautismo at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao, "Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabautismo kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos." Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan upang makinig. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila’y binautismuhan sa Ilog Jordan.

"Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan. Ang kanya namang pagkai’y balang at pulut-pukyutan. Lagi niyang sinasabi sa kanyang pangangaral, "Darating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa akin; ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Espiritu Santo."


Bilang paghahanda sa pagdating ni Jesus, ang hamon sa atin ay maging makatarungan, mapagpatawad, gumawa ng mabuti at itaguyod at pagpunyagian ang kapayapaan.

vuukle comment

ADBIYENTO

ANAK

DIYOS

ESPIRITU SANTO

IKALAWANG LINGGO

ILOG JORDAN

MABUTING BALITA

PROPETA ISAIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with