^

PSN Opinyon

Huwag cotton buds ang gamitin sa taynga

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MADALAS na sa pagsu-swimming o maging sa kinagawiang paliligo ay napapasukan ng tubig ang taynga. Mahapdi, makati at masarap kalikutin ang taynga dahil may foreign body na nakapasok sa ear canal na madalas na simulan ng impeksiyon. Dahil ang tubig ay na-trapped sa ear canal kaya unti-unti nitong pinarurupok at winawarat ang skin lining ng taynga na isang ideal breeding ground ng bacteria. Ang mga kabatirang ito ay mula sa international hearing aid specialist na si Dr. Eduardo Go.

Ayon kay Dr. Go para maiwasan ang tinatawag na swimmer’s ear dapat na matapos lumangoy ay alugin o igalaw-galaw ang ulo para matanggal ang tubig na nakapasok sa taynga. Marahang patuyuin ang external ear ng malinis na tela o tuwalya at huwag saksakan ng cotton buds o anumang bagay para patuyuin ang bukana at lagusan ng taynga dahil maaaring ito’y makasugat at matanggal ang tinatawag na protective earwax at ito ang pagsisimulan ng infection.

Ipinapayo ni Dr. Go na kapag hindi matanggal ang bumabarang tubig makabubuting komunsulta na sa doktor.

AYON

DAHIL

DR. EDUARDO GO

DR. GO

EAR

IPINAPAYO

MAHAPDI

MARAHANG

TAYNGA

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with