^

PSN Opinyon

Tapos na ang boksing sa POTC, Philcomsat

- Al G. Pedroche -
Tapos na ang legal battle ng dalawang kampong nag-aagawan sa pamamahala ng Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC) at Philippine Communications Satellite Corp. (Philcomsat).

And the winner is the group of Victor Africa!
Talo ang grupo ni Manuel Nieto. Iyan ang desisyon ng pinakamataas na hukuman ng bansa.

The problem is,
may motion for reconsideration na iniharap ang grupo ni Nieto. Okay kung may merito pero wala. Iyan din ang paulit-ulit nilang argumento sa kanilang mga nakaraang petisyon na masusi nang natalakay at napag-aralan ng Korte.

Ang Korte Suprema ay nagpalabas na ng ruling with finality and validity. Kinatigan ng Korte ang compromise agreement ng Presidential Commis- sion on Good Government (PCGG) at ng yumaong Potenciano Ilusorio tungkol sa 5,499 shares ng POTC. Paano pa sasalungatin ang desisyong "balido at pinal?" Ano pa ang silbi ng pinal na desisyon ng Mataas na Hukuman kung puwede pang salungatin o baguhin?

Sa mga shares na ito, ang pamahalaan ay binigyan ng 4,727 shares katumbas ng 35 porsyentong pagmamay-ari sa POTC kasama ang isa pang 35 porsiyentong interes sa Philcomsat na isang subsidiary ng POTC. Pinawalang saysay ng Korte ang stockholders’ meeting at eleksyon na ginanap ng grupo ni Manuel Nieto, Jr. para sa pangasiwaan ng POTC at Philcomsat. Umamin ang grupo ni Nieto na pinayagan nito ang Independent Realty Corp. (IRC) at Mid-Pasig Land Development Corp. (MPLDC) na lumahok sa stockholders meeting at bumoto para sa 40 porsyentong shares sa POTC at Philcomsat. Sa totoo lang, wala nang pakialam ang mga kompanyang ito dahil ang sosyo nila ay na-intrega na sa gobyerno sa bisa ng compromise agreement.

Kaya saan mang anggulo silipin, dapat nang magpaalam ang grupo ni Nieto sa mga kompanyang ito.

Tinatalakay natin ito porke may interes ang pamahalaan na nakataya. Pera ng bayan na baka mapurnada kung lalawig pa ang sigalot sa mga pinagtatalunang kompanya.

ANG KORTE SUPREMA

GOOD GOVERNMENT

INDEPENDENT REALTY CORP

IYAN

KORTE

MANUEL NIETO

MID-PASIG LAND DEVELOPMENT CORP

NIETO

PHILCOMSAT

PHILIPPINE COMMUNICATIONS SATELLITE CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with