^

PSN Opinyon

Hamon ng POTC President

- Al G. Pedroche -
MAYROONG isang grupo na naglalabas ng mga press release at mga bayad na anunsyo para sabihing sila ang duly-elected members of the board and management of the Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC). Hindi nagpapakilala ang mga ito maliban sa pagsasabing nasa kampo sila ni Manuel Nieto. Mukhang pang-intriga na naman ito.

May hamon sa kanila ang pangulo ng POTC na si Victor Africa: Lumantad ang mga ito at patunayang nasa panig nila ang gobyerno at ang Korte. Magu-gunita na ang Presidential Commission on Good Governments (PCGG) sa panahon ni Presidente Estrada hanggang sa panahon ni Presidente Arroyo ay kumilala sa eleksyon ng board and management ng POTC at Philcomsat sa pangunguna nina Erlinda Bildner at Victor Africa. Pati ang Mataas na Hukuman ay may desisyong ipinalabas noong Hunyo 15, 2005 na kumikilala dito.

Ayaw tumigil ng grupong Nieto. Patuloy ang paglalabas ng mga press releases para sabihing sila ang lehitimong lupon at management ng mga nabanggit na korporasyon. I think this is an insult to the highest court of the land.

The truth of the matter is, the same court ruling has nullified the election of the Nieto group to the boards of the two companies.
Sensitibong issue ito na dapat resolbahin.

Salapi ng bayan ang nakataya rito porke kasosyo ang gobyerno sa mga korporasyong ito.Kakatwa na bagamat sinasabi ng grupong Nieto na pinoprotektahan nito ang interes ng pamahalaan, sinasabi rin nito na ang pamahalaan ay walang share sa dalawang kompanya.

Despite the court decision, the group insists that Independent Realty Corp. (IRC) and the Mid-Pasig Land Development Corp.,
ang mga kompanyang isinuko sa gobyerno ni Marcos crony na si Jose Campos ay mayroon pang shares sa POTC. Klaro ang deklarasyon ng Sandiganbayan at Korte Suprema: Na ang dalawang crony companies na isinuko ni Campos sa pamahalaan ay nawalan na ng interes sa POTC.

Dapat tumalima ang grupong Nieto sa desisyon ng Korte Suprema hinggil sa compromise agreement na nagbibigay sa pamahalaan ng 35 porsyentong pagma-may-ari sa POTC at Philcomsat.

Taglay ng kasunduang ito ang imprimatur ng noo’y presidente Fidel Ramos at ang pagkatig ng Sandiganbayan pati na ang Mataas na Hukuman. Puwede na ba ngayong isnabin ng kahit sino ang mga bagay na pinagtibay ng sistema ng hudikatura?

ERLINDA BILDNER

FIDEL RAMOS

GOOD GOVERNMENTS

HUKUMAN

INDEPENDENT REALTY CORP

JOSE CAMPOS

KORTE SUPREMA

NIETO

VICTOR AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with