EDITORYAL - Magtipid! Magtipid! Magtipid!
August 28, 2005 | 12:00am
KAPAG nasa gitna na ng krisis saka lamang naaalala ang pagtitipid. Ganyan ang nangyayari sa kasalukuyan. Kung kailan sisinghap-singhap na sa pagkakalunod saka lamang naiisip maghanda ng salbabida.
Pagtitipid ang kampanya ng Arroyo administration ngayon kaugnay sa nangyayaring krisis sa langis. Walang patlang sa pagtataas ng presyo ang petroleum products kaya ang direktiba ni President Arroyo sa lahat ng opisyal at empleado ng gobyerno ay magtipid sa enerhiya. Pinangunahan niya ang pagtitipid sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga malalakas komunsumong bombilya sa Malacañang. Hinikayat din ni Mrs. Arroyo ang taumbayan na maglakad. Sabi pa ni Mrs. Arroyo, kailangan daw na maging halimbawa ang mga taong gobyerno sa pagtitipid para gayahin ng taumbayan. Target ni Mrs. Arroyo na mabawasan ng 10 percent ang ginagamit na energy ng gobyerno.
Kasunod ay ang direktiba ng Malacañang na mapaparusahan ang mga government officials at employees na hindi susunod sa energy conservation campaign. Sabi ni Executive Sec. Eduardo Ermita, magtatalaga ang Malacañang ng Energy Audit Team (EAT) na magsisiyasat sa mga opisyal at empleado na hindi susunod sa energy conservation measures. Ang mamumuno sa EAT ay si Deputy Executive Secretary Waldo Flores at Energy Undersecretary Peter Anthony Abaya. Sisiguruhin nina Flores at Abaya na maipatutupad ang direktiba ni Mrs. Arroyo na makapagtipid sa enerhiya. Bukod sa EAT, aarangkada rin ang mga "energy police" kung saan tututukan nila ang bawat tanggapan ng gobyerno.
Nanawagan naman si Secretary Ermita sa sambayanan na makiisa sa ginagawang pagtitipid ng pamahalaan. Hinikayat din niya ang taumbayan na isuplong ang mga taong gobyerno o ang mga tanggapang hindi sumusunod sa direktibang magtipid.
Pagtitipid ang kailangan sa kasalukuyan. Ito lamang ang tanging paraan sapagkat wala pang nakikitang pamalit ang gobyerno sa ubod nang mahal na langis na umaabot na sa $68 bawat bariles. Mas mainam kung magsasagawa nang masinsi-nang pagsasaliksik ang mga nasa Department of Energy kung paano makatutuklas ng alternatibo sa gasoline at diesel.
Okey ang kampanya sa pagtitipid na pinangungunahan na mismo ni Mrs. Arroyo. At mas magiging okey ito kung lagi nang uugaliin ang pagtitipid at hindi kung kailan lamang may krisis.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended