^

PSN Opinyon

Customs lespiak sabit sa illegal drugs

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HINDI na bago sa mata ng mga empleado ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na nakatalaga sa Central Mail Exchange Center ang nahuling sangkatutak na prohibited drugs sa nasabing lugar dahil matagal na raw trabaho ito sa koreo. Ang mga tirador ng droga dito sa CMEC ay pabalik-balik pala sa US of A kaya noong una ay nagtataka ang kanyang mga kasamahan kung saan kumukuha ng pitsa ang kolokoy. Sabi nga, bakasyon engrande!

Isang Ynot Ascanini, notorious Customs lespiak, asko divad, isang ahente ng baboy este mali narcotics daw at isang bopol na appraiser ang sinasabing utak sa pagpasok ng illegal drugs sa CMEC. Take note, PDEA bossing Anselmo Avenido, Sir!

Noong Sabado ng umaga ay wala nang tigil ang text messages sa Chief Kuwago galing sa mga asset nito sa postal para ibalita ang drogang ipupuslit sa CMEC. Balak pa pala nilang ilabas ang gamot sa anumang paraan pero isang Bong Bondoc, Customs Police ang humarang sa epektos kaya nadisgrasya. Sabi nga, pitsa na naging bato pa!

Nanggagalaiti naman sa galit ang mga kasamahan ni Ynot Ascanini dahil madadamay pa pala sila sa puslitan blues ng alaws silang alam. Kung nagkataon naipuslit papalabas ang epektos ang mga gago lang ang makikinabang. Ika nga, sa pitsa solo ni Ynot Ascanini at asko divad ang droga pero sa bulilyaso damay sila lahat.

Abala siguro si Major Haydee Posadas, sa paglalakad sa kanyang retirement kaya muntik na silang mapuslitan ng droga. Si Customs Police Director Nestorio Gualberto ay nagsasagawa ng isang masusing imbestigasyon tungkol sa impormasyon kanyang nakuha na may lespiak na kasabwat ang international drug syndicate.

‘‘Matagal na pala ang trabaho ng droga sa postal,’’ anang kuwagong pacman.

‘‘Kilala ng mga kamote ang utak ng sindikato diyan sa CMEC kaya lang ayaw nilang magturo,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Pero ang kumakalat na text messages sa mga officials ng BoC ay si Ynot Ascanini ang itinuturong culprit.’’

‘‘Dapat sigurong magbalasahan sa postal para maiwasan ang koneksyon ng mga gagong kasabwat sa illegal drugs.’’

‘‘Diyan kamote tumpak ka!’’

ANSELMO AVENIDO

BONG BONDOC

CENTRAL MAIL EXCHANGE CENTER

CHIEF KUWAGO

CUSTOMS POLICE

ISANG YNOT ASCANINI

MAJOR HAYDEE POSADAS

NOONG SABADO

YNOT ASCANINI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with