^

PSN Opinyon

Palalakasin ang mining industry

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG Department of Enrivonment and Natural Resources (DENR) ay abala sa mga reporma sa pagbibigay ng mga mining tenements o mga kasunduan na may kinalaman sa pagbibigay pahintulot sa mga pribadong kompanya na makapagmina sa bansa. Kabilang sa mga reporma ay ang pagsusuri at pagrerebyu sa mga ginawa at kasalukuyang ginagawang pagtupad ng mga mining-tenements sa mga kondisyon at patakaran ng mga nasabing kasunduan.

May 84 na mining tenements na nakitaan ng iba’t ibang klaseng paglabag sa kasunduan sa pagmimina. Nabigyan na rin ang mga tao ng rekomendasyon na makansela. Kabilang na rin sa mga dahilan ng pagkakansela ay ang hindi nito pagpasa ng kumpletong mga dokumento, hindi pagsisiwalat ng pinakabagong impormasyon tungkol sa kanilang kompanya at operasyon at hindi pagbabayad ng sapat na buwis. Ngunit ang pinakamatinding dahilan sa pagkakansela ay ang aktuwal na matagal na pagtigil ng operasyon ng pagmimina.

Ang pagkakansela sa 84 na problemadong mining tenements ay unang hakbang lamang upang malaman kung sino sa mga kasalukuyan kompanya ang tunay na may kakayahan para maisulong ang reponsableng pagmimina na may pagpapahalaga sa kalikasan at komunidad. Sa ganitong proseso, naihihiwalay ang mga mabubuting nagmimina laban sa mga may problema. Bukod pa rito, nabibigyan din ng pagkakataon ang mga nagkakasalang kompanya na ayusin ang kanilang mga operasyon.

Sa pagtugon sa mga paglabag at kakulangan ng mga ‘‘non-performing’’ mining tenements ay tiyak din na mapagtitibay ng industriya ang responsableng pagmimina na nagbibigay halaga sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng mga komunidad. Ang pagkikilala sa kahinaan ng 84 na kompanya ang magpapalakas din sa industriya ng pagmimina.

BUKOD

DEPARTMENT OF ENRIVONMENT AND NATURAL RESOURCES

KABILANG

KOMPANYA

MINING

NABIGYAN

NGUNIT

PAGMIMINA

TENEMENTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with