^

PSN Opinyon

Pekeng larawan ni Duterte

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

NANG unang makita ko ang retrato ni dating Presidente Duterte na payat na payat at nakahiga sa hospital bed, naghinala ako na ito’y peke.

Na ito’y gawa-gawa ng mga Duterte trolls na gustong humango ng simpatiya ng tao para sa kanilang idol na nakapiit sa detention facilities ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Ngunit si Vice President Sara Duterte na ang nag­sabing walang sakit ang kanyang ama at ang larawan ay minanipula sa pamamagitan ng AI technology. Walang imposible sa AI. Ang mga video na magagawa nito ay parang tunay. Pati ang boses ng mga tao ay naga­gaya.

Napanood ko sa Facebook ang AI manipulated video na ikinakasal si President Bongbong sa nakasuot ng wedding gown na si Digong Rodrigo at ang nagkakasal ay si U.S. President Donald Trump.

Mayroon pang kapwa nakasuot ng gown sina Marcos at Duterte, naka-makeup at sumasayaw. Matatawa ka sa una ngunit maiisip mo na Ito ay “bad taste” na ginagawang kata­tawanan ang dalawang personalidad.

Kung ang larawan ng tila naghihingalo nang si Duterte ay pinasinungalingan ng sariling anak, sino ang gumawa nito? Maaring ito’y likha ng mga blind followers ni Duterte na nag-aakalang ginagawan siya ng pabor. Puwede ring pakana ng mga kalaban upang maakusahan ng pagka­kalat ng fake news ang mga Duterte.

Dangerous ang AI. Darating ang araw na ang mga video­ o larawan ay hindi na tatanggapin sa korte at iyan ay malaking setback sa pagtatamo ng hustisya.

DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with