^

PSN Opinyon

Kapabayaan ng ilang doktor sa Nagcarlan District Hospital

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PANINIRA ng pangalan at kawalan ng tinatawag na medical ethics ng ilang propesyonal na dapat sana’y nangangalaga sa kapakanan ng kanilang pasyente ang isa sa reklamong nakatawag ng pansin nitong naka-raang Lunes sa aming Action Center.

Ang inirereklamong ospital, ang Nagcarlan District Hospital. At ang inirereklamo, mga butihing doktor ng ospital.

Mula raw ng ilipat sa Nagcarlan District Hospital ang pobreng pasyente, walang matinong medical attention daw na naibigay dito. Ang siste, mga kaanak pa diumano ng pasyente ang gumagawa ng mga trabaho ng nurse.

Bukod sa pagwawalang bahala sa isang pasyenteng nasa kritikal na kondisyon, nagawa pa diumanong magpakalat ng kung anu-anong istorya ang mga doktor na sina Dra. Herma Formeloza at Dra. Teresita Pesidas matapos pumanaw ang pinabayaang pasyente.

Ipinagkalat diumano nila Dra. Formeloza at Dra. Pesidas na nakahahawang sakit ang ikinamatay ng pasyente.

Reklamo pa ng isang kaanak ng namatay na pasyente, nagbitiw daw ng salita si Dra. Formeloza na kung nagkataong siya daw ang duty noong araw na itakbo ang pobreng pasyente, hindi niya daw ito tatanggapin sa kanilang ospital.

Pero matapos malaman mula sa pamilya ng pumanaw na pasyente na magsusumbong sila sa BITAG, mabilis ang naging aksyon ng pamunuan ng Nagcarlan District Hospital.

Panay daw ang panunuyo ng kanilang hepe na si Dr. Jose Guia. Ang ibig sabihin, aminado ang pamunuan ng Nagcarlan District Hospital sa kapabayaan at pagiging ‘‘unprofessional’’ ng kanilang mga doktor na sina Dra. Herma Formeloza at Dra. Teresita Pesidas.

Kinakailangan pa palang manghimasok ang BITAG para gawan ng sapat na aksyon ang kapabayaan nila Dra. Formeloza at Dra. Pesidas.

Sakaling mauwi sa wala at hindi umaksyon ang hepe ng Nagcarlan District Hospital na si Dr Jose Guia, nakaantabay kami upang ituwid ang baluktot na prinsipyo ng kanilang mga doktor. Patuloy kaming nakatutok sa kasong ito.
* * *
Hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919/932-5310. Panoorin BAHALA SI TULFO, 9:00-10:30 a.m. UNTV, 9:00-10:00 a.m. DZME 1530 khz.

ACTION CENTER

DR JOSE GUIA

DR. JOSE GUIA

DRA

FORMELOZA

HERMA FORMELOZA

NAGCARLAN DISTRICT HOSPITAL

PASYENTE

TERESITA PESIDAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with