Pangungulimbat sa kawawang guro
July 8, 2005 | 12:00am
BAKIT ba nagiging ugali ng mga kotongerong opisyal na ibulsa ang hulog ng government employees sa GSIS? Kamakailan lang, sinentensiyahan ng Sandiganbayan ang isang mayor at municipal treasurer sa Abra ng 25 taon na kalaboso dahil sa di pag-remit ng P889,000-GSIS premiums na kinaltas sa municipal employees. Ngayon naman, tumataginting na P969 bilyong kinaltas din sa mga guro ng Autonomous Region of Muslim Mindanao ang tinangay ng education department officials nila nung 1997-2003.
Plunder ang ikakaso sa sinumang lilitaw na nangulimbat, ani Justice Undersecretary Macabangkit Lanto, dahil mahigit P50 milyon ang halaga. Malamang na may nagkutsabahan at nagtago ng pera sa pamamagitan ng serye o kombinasyon ng krimen mga elemento ng plunder. Walang bail habang nililitis ang ganung sakdal, at habambuhay na kulong o bitay ang parusa.
At dapat lang. Biruin niyo, maraming taon ding hindi makautang sa GSIS ang mga guro at kawani sa ARMM-DepEd. Yun pala ay wala silang record sa mutual provident fund ng lahat ng government employees. Hindi rin sila makakubra ng benepisyo kung nagkasakit o namatayan. At malamang na wala silang makukubra sa pagretiro.
Malaon nang batid na ang gulo sa Muslim Mindanao ay hindi sanhi ng paghahari ng mga Kristiyano, kundi ang pang-aabuso mismo ng mga pinunong kapwa-Muslim. Walang kinalaman dito ang relihiyon, ani Datu Ibrahim Paglas ng bayan sa Mindanao na pinangalan sa kanyang ama. Ang ugat ng suliranin nila ay ang piyudal na asal ng mga datu na animoy pag-aari nila ang buhay ng mamamayan. Yan na nga ang nangyari sa ARMM-DepEd, kaya pinaglaruan ng mga opisyales ang pera ng maliliit.
Ani ARMM Gov. Parouk Hussin, na DepEd secretary din, minana lang niya ang problema mula kay dating DepEd chief at Vice Gov. Mahid Mutilan. Tumakbo ang huli para gobernador ng Lanao del Sur nung 2003. Pero bago pa yun, sinadyang mag-appoint ang mga pinuno ng mga guro na wala namang eligibility. Itoy sa balaking huthutan sila ng perang GSIS.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended