Kaban ng PHC dinudugas
July 7, 2005 | 12:00am
BABALA sa mga banko pati na sa publiko. Ayon sa Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC) at Philippine Satellite Corp. (PHILCOMSAT) may mga nagtatangkang mag-withdraw ng pondo ng Philcomsat Holdings Corp. (PHC) na 80 porsyentong pag-aari ng PHILCOMSAT.
Malaking bahagi ng assets ng PHC ay mula sa P2 bilyon pondo ng PHILCOMSAT. Ang halagay nakadeposito sa mga banko at money market. Diyan kumikita ang kompanya bukod pa sa upa ng isang condo unit.
Nagsimula ang paghuthot sa naturang PHC funds matapos magpalabas ang Korte Suprema ng desisyon nung Hunyo 15 na kumakatig sa 1996 compromise agreement ng pamahalaan at ng negosyanteng si Potenciano Ilusorio. Binigyan ng 35 porsyentong pagma-may-ari sa POTC at PHILCOMSAT ang pamahalaan na mula sa 40 porsyentong saping isinuko sa gobyerno ni Jose Y. Campos, isang Marcos crony. Itoy kapalit ng pagbibigay ng immunity from suit kay Campos.
Kinatigan ng Korte ang ruling ng Sandiganbayan na ang mga kompanyang Mid Pasig Land Development Corp. (MPLDC) at Independent Realty Corp. (IRC) ni Campos na ginamit para itago ang POTC shares ay nawalan ng karapatan sa shares matapos na ang mga itoy nai-turnover sa gobyerno.
Nawalan ng basehan ang claim ng grupo ni Manuel Nieto Jr. na sila ang lehitimong board at tagapamahala ng POTC at PHILCOMSAT. Ito ay dahil ang stockholders meeting na idinaos nila ay nagpahintulot sa MPLDC at IRC na iboto ang 40 porsiyentong shares na naisuko na sa pamahalaan.
Bilang pagsunod sa Sandiganbayan resolution, nagpalabas ang POTC noong Enero 2000 ng stock certificate sa ngalan ng Republika ng Pilipinas na kumakatawan sa 35 porsyentong sosyo ng sa POTC.
May mga kaalyado marahil sa Nieto na nagtatangkang bawiin ang puwede pang mabawi bago sila maipagtabuyan sa PHC. Ang desisyon ng SC ay nakaapekto rin sa kalagayan ng Nieto group sa PHILCOMSAT Holdings.
Sa stockholders meeting ng PHC nung Agosto 31, 2004, tinanggihan ng grupo ni Nieto ang proxy ng PHILCOMSAT na iniharap ni Victor Africa. Sa halip, ang grupo ni Nieto ay naglagay ng sariling proxy para malayang mag-appoint ng sariling tauhan sa board at management ng PHC.
Nadagdagan tuloy ang merito ng nakabinbing petisyon sa isang local court na kumukuwestyon sa pagkakahalal ng grupo ni Nieto sa board ng PHC.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest