^

PSN Opinyon

Ang katapangan ay karuwagan

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
Paulit-ulit kong pinakikinggan ang Hello Garci tapes pero ang matinding bumabagabag sa akin ay hindi lang ang mga obvious na manipulation at special operations na ginawa upang mabago ang resulta ng operasyon kung hindi mga planong pangingidnap hindi lang ng mga ayaw tumulong sa pandaraya kung hindi ang mga pamilya nila.

Para ho sa kapakanan ng ating mga kababayan, ilalabas ko na lang ang transcript kung saan pangitang-pangita ang mga plano nilang karahasan na tunay na nakakakilabot at tuwiran nating sasabihing mala-demonyong mga ugali.

(Conversation between Garcillano and Madam Senyora Donya Gloria, 1610, June 7, 2004.)

Garcillano: Hello

Madam GMA: Hello, did you get my text about Tipo-tipo?

Garcillano: Oho, oho Ma’am kwan ho, that’s what I’m being fearful about. Kung si Rashma Hali yun, that’s why we’re asking people to look for her so that we can control her.

Madam GMA: She’s probably being held by them.

Garcillano: Ma’am

Madam GMA: She’s being held by them already

Garcillano: She is here, that’s why if it is possible we will ask her family to walk her out of Zamboanga.


Madam GMA: O cige, OK.

(Conversation between Garcillano and a certain Ruben 2038 June 7, 2004

Ruben: Hello Garci, si Ruben. Anong balita?

Gary: Eto, nag-aano kasi ako. ‘yung sa Tipo-tipo na tao, parang nasa kamay na nila. Pero wala namang damage sa atin. Pero kay Wahab. Kaya dapat si Wahab ang gumalaw niyan.

Ruben: Pero, mag-tetestify sya against the administration eh. Against the President!

Gary: How can he? Wala naman siyang ginawa kay Presidente.

Ruben: Eh hindi, di ba ang gagamiting mag-tetestify siguro iyong against the President

regarding the bawas-dagdag na ginawa dun sa ano....

Gary: Wala naman tayong ginawa para kay Presidente dun sa kanya ah.

Ruben: Hindi, ‘yun ang pinepresent di ba? Yan ‘yung pinepresent ni Rufus Rodriguez pati yung kay Ibron?

Gary: Oo nga, pero wala naman. Kay Ibron, di nila makukuha si Ibron, wala na, di na nila makukuha.

Ruben: Si Ibron nga, hindi na nga dahil as of two days ago, nakausap na nga raw eh.

Gary: Sinong nakausap?

Ruben: Si Ibron, naka-usap na ng military.

Gary: Sabihin mo dyan sa military na ‘yan, wag silang masyadong makikialam, kasi sinampal pala si Libron eh, akin yang tao na yan eh, taga Batangas yan eh.

Ruben: Ah ganun ba?

Gary: Oo, wag namang ganun. Bago nila gawin yun nung primero, sinampal pa kasi eh, kaya mangiyak-ngiyak yung tao eh. Kaya kahit pakainin mo ng bala yun, di na magpapakita. Ngayon, itong si Rashma Hali, wala naman masasabi against kay Ma’am eh, kahit anong sabihin nila because she has not done anything except kay Wahab Akbar. Kaya dapat si Wahab ang mawarningan.

Ruben: Pero, ano ba pare yung pinakikitang ano ni Rufus na ano....?

Gary: Ah, pabayaan mo siya but it does not have anything to do with the President.

Gary: Hindi naman nila matetestiguhan kung hindi sa kanyang munisipyo.

Ruben: Yung Tipo-tipo di ba?

Gary: Oo nga, pero ang problema niyan, wala naman kay Presidente dyan.

Ruben: Hindi ba yun ang pinepresenta ni Rufus na dinagdagan?

Gary: Yung pinapakita ni Rufus, tingnan natin sa Provincial Canvass, kasi wala naman magagawa yan dun sa kanyang munisipyo. Bahala siya, kay nga ina-ano ko si? Wahab, pina-aano ko kay Wahab ngayon, dapat si Presidente ma-kwan niya kay Wahab para si Wahab ang kumuha ng tao na yan kung hindi ipakukuha ko ang pamilya niyan.


Ruben: Uh-hum.

Gary: Yun na ang last resort, pakukuha ko ang pamilya nyan.


Ruben: Yun na lang ang dapat gawin dun.

Gary: Oo, pero dapat malaman ni Wahab na si Wahab, kasi ang more damage will be against that Wahab Akbhar, not the President.

Ruben: Bakit, naapektuhan ba yung boto ni Wahab?

Gary: Siya lang talaga ang ano malaking naka-pabor. Kaya kung maaari papuntahin ko dito yung supervisor, patago ko rin dito sa kin. Because, I want to clean out kung alin yung mga by municipality results.

Ruben: Hindi iyon ang nagkakaproblema dahil si Wahab ang nagpatrabaho nyan eh.

Gary: Eh ang problema niyang si Wahab, gumalaw si Wahab nung huli na.

Ruben: Huli na nga eh. Akinse na nung gumalaw si Wahab eh.

Gary: Alam mo si Wahab was working for FPJ actually.

Ruben: Oo, nung una.

Gary: Nung nalaman niyang matatalo si FPJ, saka bumaligtad.

Ruben: Sinabi mo, totoo talaga.

Gary: Yung mga tao namin diyan, eh galit na galit sa kanya eh. Kaya ito, kung anuman basta malalaman hanggang umaga, ng maagang-maaga kung ano talaga ang score doon so I can tell them to get her families kung halimbawa. Sabagay medyo matindi na ito kasi andun si Lomibao, andun naman si... ewan ko kung sino pang nandun, may isang colonel na nandun. Kung kailangang kunin, di kunin na ang pamilya nya. Lokohan na rin lang eh, di kwan, Pero yang Rufus na yan, wala namang alam yan.

Ruben: Kaya nga, kaya nga.

Gary: Ewan ko lang kung pupunta pa uli yun, pakidnap ko na lang siya.


Ruben: Hindi naman pumupunta, pero ang balita nandirito sa Parañaque.

Gary: Nandito na yung ano....? Ruben: Nandito na sa Parañaque nun pang Saturday.

Gary: O sige. Basta’t we’ll ask somebody to look for her and then get her family, kung pwede.


(Ang tatapang ho nila. Pamilya na ang gusto nilang padukot. Nakakatakot niyan, kung ayaw pala sumunod sa kanila ng ilang mga matitinong tao ay ganuon ang gagawin nila upang puwersahin at pumayag sa kanilang kagustuhan.

Ngayon natin naisip yung komento ni Sec. Ignacio "Toting" Bunye na demonyo raw ang hindi marunong magpatawad. Sino kaya ang Demonyo? Ang mga taong nais malaman ang tunay na resulta noong nakaraang eleksyon o ang mga taong kapag hindi ka sumunod sa kanilang masamang gawain ay padudukot ang pamilya?

Secretary Bunye ang iba pang miyembro ng Gabinete, hindi pa huli ang lahat. Hinihingi lang ho ng mamamayan ay lumabas kayo at sabihin niyo ang katotohanan. Tandaan ninyo, HUWAG MATAKOT!!!)

Kayo mga kaibigan, nabasa n’yo na ang portion ng transcript na yan, pangitang- pangita ang KATAPANGAN KADUWAGAN!!!

Gawain ng duwag ang idamay ang pamilya. Sabagay, ilang beses ng ginawa, mula doon kay Udong Mahusay na nagbulgar na si Sir Senyor Don JOSE Miguel Pidal Arroyo ang tunay na JOSE PIDAL hanggang diyan kay Sgt. Doble. Pamilya nila ang ginamit upang mapigilan sila ilabas ang katotohanan o di kaya’y bawiin ang kanilang pagsisiwalat.
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o [email protected] o di kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa MATA NG AGILA sa DZEC 1062 mula 6:15 hanggang 8:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

GARY

KAY

KAYA

KUNG

RUBEN

WAHAB

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with