Mga special OPS people ni Madam Gloria
June 28, 2005 | 12:00am
PANANAKOT, iyan ang matinding sagot ngayon ng mga special OPS people ni Madam Senyora Donya Gloria upang matuloy ang kanilang planong patuloy na pangungurakot.
Pero hindi kagaya noong mga lantad na pananakot nitong si Justice Secretary Raul Gonzales at ng ibang opisyal na kaalyado ni Madam Gloria, ang mga pananakot ngayon ay dinadaan sa mga text messages na pinagbabantaan ang buhay ng mga kritiko ng administrasyon o di kayay mga personalidad na pinipilit na matuloy ang imbestigasyong ginagawa laban sa jueteng gate at Gloriagate.
Kasama ho ang inyong lingkod sa pinadadalhan nila ng mga bantang ganoon pero para sa mga may gawa nila sorry na lang kayo dahil naniniwala ako at sumusunod sa panawagan ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson na "Be Not Afraid," o "Huwag Matakot."
Kayo hong mga mahihilig manakot, mukhang di na epektibo ang pinagagawa niyo dahil as of Sunday, ang mga nais makarinig sa "Hello Garci" CDs ay milyun-milyon na.
Kung padadalhan nyo ng text message ang bawat isa, aba eh milyun-milyong piso ang gagastusin nyo.
Paalala lang po sa inyo, ang pananakot ay nagtutulak lang sa mga maraming Pinoy na sumali sa "Be Not Afraid Movement."
Pagpapatahimik, yan ang isa namang ginagawa ng ilang mga kongresista at senador na malalapit kay Madam Senyora Donya Gloria.
Nagpapakalat sila ngayon ng milyun- milyong piso na pinamimigay nila sa mga mukhang perang mga senador at kongresista na siyang papayag na matigil ang imbestigasyon ng jueteng sa senado at imbestigasyon ng "Hello Garci" tapes sa Kongreso.
Problema lang nila riyan, kahit anong gawin nila, marami sa kanilang mga kasamahan ang nagbabago ng pananaw gaya nitong si Rep. Clavel Martinez ng Cebu na nagsisisi ngayon sa suportang binigay niya kay Madam Gloria noong nakaraang eleksyon.
Paalala muli, kahit anong pagpapatahamik ang gawin ninyo, hindi na uubra dahil hindi na kayang pigilan ang nagpupumiglas ng kahilingan ng sambayanan na malaman ang katotohanan.
Muli kong pinakinggan ang Gloriagate CDs at sinikap kong alamin kung sino pa ang ibang mga kausap nitong si Hello Garci. Obvious na yung si Madam, si Senyor Don Jose Miguel Arroyo at si nandaya na pero natalo pang si Bobby Barbers.
Pero laking gulat ko nang marinig ang tinig ng isang abogadong kilala natin. Yung abogado na kung tawagin ay concillieri. Ang concillieri po ang abogado ng mga Mafia.
Ito po kasing abogadong ito, kung siya nga ang tinig na narinig ko, ay may mga kliyenteng drug lord, smuggling lord, gambling lord, kidnapping lord, carnapping lord at ngayon pala ay cheating lord pa.
Wala talaga siyang pinatawad at kapag natiyak ko na ho ay aking ilalabas ang pangalan niya o di kayay ibigay na lang sa mga kongresista o senador na mag-iimbestiga sa Hello Garci tapes.
Gusto lang hong tiyakin kaya iparirinig din sa ibang mga kakilala niya, hindi ho sa kaibigan niya kasi ang tanging friend niya ang kuwarta, at kung tama, lagot ka, lagot ka ibubulgar kita. He-he-he!!!
Pati pala kay Garci nag-iinfluence peddling ka rin ha!!! Sabagay basta pagkakaperahan pinapasok mo, kaya kilala ka bilang abogadong matindi sa pag-aayos hindi sa husay.
Anyway, iwasan mo ng konti ang pa-SMILE-SMILE dahil malapit ka nang mabuking. Balimbing ka pa kasi at oo nga pala, pati sinungaling lord at balimbing lord hawak mo rin. Ang wala ka nalang ay respeto at takot sa tunay na LORD.
Pray lang namin, sana lang tumagal pa buhay mo para marami ka pang gamot na bibilhin at doctor na babayaran habang lumalala ang sakit mo. Tandaan mo, Atty. V as in Very matakaw!!! Masama ang perang galing sa masama, tandaan mo yan!!!
Kayong ibang mga nakarinig na ng Hello Garci tapes, share nyo naman sa public sino pa yung ibang mga kausap ni Commissioner Garcillano. Ilantad natin sa publiko kung sino pa yung iba, BE NOT AFRAID!!! Yun namang mga ibang kausap na gustong lumantad, gawin nyo na ngayon, nanganganib ang buhay nyo, tingnan nyo yung isang pangalan nabanggit ni Garcillano, nawawala na. Lumabas na kayo, BE NOT AFRAID!!!
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o [email protected] o di kayay mag text sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin po ang inyong lingkod sa MATA NG AGILA sa DZEC 1062 mula 6:15 hanggang 8:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.
Pero hindi kagaya noong mga lantad na pananakot nitong si Justice Secretary Raul Gonzales at ng ibang opisyal na kaalyado ni Madam Gloria, ang mga pananakot ngayon ay dinadaan sa mga text messages na pinagbabantaan ang buhay ng mga kritiko ng administrasyon o di kayay mga personalidad na pinipilit na matuloy ang imbestigasyong ginagawa laban sa jueteng gate at Gloriagate.
Kasama ho ang inyong lingkod sa pinadadalhan nila ng mga bantang ganoon pero para sa mga may gawa nila sorry na lang kayo dahil naniniwala ako at sumusunod sa panawagan ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson na "Be Not Afraid," o "Huwag Matakot."
Kayo hong mga mahihilig manakot, mukhang di na epektibo ang pinagagawa niyo dahil as of Sunday, ang mga nais makarinig sa "Hello Garci" CDs ay milyun-milyon na.
Kung padadalhan nyo ng text message ang bawat isa, aba eh milyun-milyong piso ang gagastusin nyo.
Paalala lang po sa inyo, ang pananakot ay nagtutulak lang sa mga maraming Pinoy na sumali sa "Be Not Afraid Movement."
Nagpapakalat sila ngayon ng milyun- milyong piso na pinamimigay nila sa mga mukhang perang mga senador at kongresista na siyang papayag na matigil ang imbestigasyon ng jueteng sa senado at imbestigasyon ng "Hello Garci" tapes sa Kongreso.
Problema lang nila riyan, kahit anong gawin nila, marami sa kanilang mga kasamahan ang nagbabago ng pananaw gaya nitong si Rep. Clavel Martinez ng Cebu na nagsisisi ngayon sa suportang binigay niya kay Madam Gloria noong nakaraang eleksyon.
Paalala muli, kahit anong pagpapatahamik ang gawin ninyo, hindi na uubra dahil hindi na kayang pigilan ang nagpupumiglas ng kahilingan ng sambayanan na malaman ang katotohanan.
Pero laking gulat ko nang marinig ang tinig ng isang abogadong kilala natin. Yung abogado na kung tawagin ay concillieri. Ang concillieri po ang abogado ng mga Mafia.
Ito po kasing abogadong ito, kung siya nga ang tinig na narinig ko, ay may mga kliyenteng drug lord, smuggling lord, gambling lord, kidnapping lord, carnapping lord at ngayon pala ay cheating lord pa.
Wala talaga siyang pinatawad at kapag natiyak ko na ho ay aking ilalabas ang pangalan niya o di kayay ibigay na lang sa mga kongresista o senador na mag-iimbestiga sa Hello Garci tapes.
Gusto lang hong tiyakin kaya iparirinig din sa ibang mga kakilala niya, hindi ho sa kaibigan niya kasi ang tanging friend niya ang kuwarta, at kung tama, lagot ka, lagot ka ibubulgar kita. He-he-he!!!
Pati pala kay Garci nag-iinfluence peddling ka rin ha!!! Sabagay basta pagkakaperahan pinapasok mo, kaya kilala ka bilang abogadong matindi sa pag-aayos hindi sa husay.
Anyway, iwasan mo ng konti ang pa-SMILE-SMILE dahil malapit ka nang mabuking. Balimbing ka pa kasi at oo nga pala, pati sinungaling lord at balimbing lord hawak mo rin. Ang wala ka nalang ay respeto at takot sa tunay na LORD.
Pray lang namin, sana lang tumagal pa buhay mo para marami ka pang gamot na bibilhin at doctor na babayaran habang lumalala ang sakit mo. Tandaan mo, Atty. V as in Very matakaw!!! Masama ang perang galing sa masama, tandaan mo yan!!!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended