^

PSN Opinyon

For media only

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
LIBRE sa lahat ng reporters, photographers, editors, columnist, production assistant, writers, cameramen at broadcasters ang gun safety at marksmanship clinic na gagawin sa buong Pilipinas sa June 25, 2005. Sabi nga, simultaneous ito!

Sa Metro Manila, sa ARMSCOR shooting range sa Marikina City gagawin ang seminar samantala sa Luzon, Visayas at Mindanao ay may mga lugar na nakatoka para sa mga taga-Media doon.

Ang gun safety seminar at marksmanship clinic ay ginawa sa pakikipagtulungan nina Joel Sy Egco, Prez ng Association of Responsible Media (ARMED), Raoul C. Esperes ng DWIZ, todo lakas ng anghit este mali frequency pala, Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines at ng Philippine National Police and Explosives Division.

Hindi kasi biro ang mga pinapatay na mga journalist kaya may mga taong tulad ni Egco ang gumawa ng paraan upang tulungan ang mga mamamahayag na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga kamote. Ang pagpatay sa media ay pagpatay sa kalayaan ng bansa!

Dapat talagang matuto ang mga mamamayahag sa paggamit ng boga para suportahan ang kanilang sarili at kanilang pamilya laban sa mga media killer. Saka take note, mga kamote, libreng gumamit ng baril at bala para sa mga lalahok na walang armas.

Kaya walang problema kung gusto niyong matutong bumaril ng walang sablay. Basta tiyakin niyo lang na ang babarilin niya ay ’yung mga masasamang tao na may planong masama sa mga kapatid natin sa hanapbuhay.

Bukod dito, magkakaroon pa ng certificate of attendance ang mga lalahok sa gun safety and marksmanship clinic. O, di ba? Ang galing!

‘‘Eh papano kung nakita ko ’yung media killer tapos binaril ko kasi yayariin ako pero sumablay,’’ ang tanong ng kamoteng SPO10 sa Crame.

‘‘O, ’di putukan mo ulit!’’ sagot ng kuwagong kotong cop.

‘‘Pinutok ko ulit pero sablay na naman?’’

‘‘Di ibato mo na lang ang baril mo sa target baka tumama ka pa, pulpol!’’

‘‘Ibinato ko pero nakailag. Ano gagawin ko?’’

‘‘Tumakbo ka na, ogag ka talaga!’’

ANO

ASSOCIATION OF FIREARMS AND AMMUNITION DEALERS OF THE PHILIPPINES

ASSOCIATION OF RESPONSIBLE MEDIA

BUKOD

JOEL SY EGCO

MARIKINA CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE AND EXPLOSIVES DIVISION

RAOUL C

SA METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with