Maraming pekeng optometrists
June 22, 2005 | 12:00am
HINDI pa natatagalan, nalathala sa kolum na ito ang tungkol sa lumalaganap na raket ng mga pekeng optometrists. Marami ang tumawag sa BANTAY KAPWA sa karagdagang kaalaman sa Optometry Law 1995. Ang mga optometrists na sina Dr. Fe Flores Cataquiz at Dr. Elena S. Viray ang aking kinapanayam at marami silang ipinaliwanag.
Ang mga pekeng optometrists ay ang mga nag-aaral ng optometry pero hindi nakatapos at iyong mga nakatapos ng kurso pero hindi naman pumasa sa pagsusulit ng Board of Optometry at ang mga nagtatrabaho sa optical clinic at nagre-refract kahit hindi lisensiyado.
Ayon sa dalawang doktor marami nang mga optical na inooperate ng mga pekeng optometrists ang paglipana sa Metro Manila kaya dapat ang masusing pag-iinspeksyon ng mga awtoridad. Alamin kung lisensiyado ang optometrists at kung mapatunayang hindi, arestuhin at ipasara agad ang naturang klinika. Mapaparusahan ng isa hanggang walong pagkabilanggo ang mga pekeng optometrists.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended