^

PSN Opinyon

Sinungaling mang magaling nabubuking din

- Al G. Pedroche -
WALANG kasinungalingang hindi nabubuking. Tulad ng mga akusasyon ng government nominee sa PHILCOMSAT na si Manuel Andal laban kay PHILCOMSAT president Victor Africa sa layuning maibalik sa poder ang grupo ni Manuel Nieto.

Nabigo si Andal na brasuhin si Africa na isuko sa kanya ang shares of stocks ng PHILCOMSAT holdings Corp. (PHC) na nasa pangalan ng PHILCOMSAT. Dahil dito, idinemanda ni Andal si Africa ng pagnanakaw. Sumagot si Africa at sinabi ang tama. Nais lamang puwersahang makuha ni Andal ang shares of stocks. Ang PHC ay 80 porsyentong pag-aari ng PHILCOMSAT. May katuwirang tumanggi si Africa. Nagpapanggap lamang si Andal na tesorero ng Philcomsat gayung ang tunay na ingat-yaman ay si Katrina Ponce Enrile. Presidente si Africa. Pananagutan niya na pangalagaan ang lahat ng assets ng kompanyang kanyang pinamumunuan.

Lumalabas ngayon na ang isang "impostor" ang nag-aakusa sa presidente ng kompanya na ilegal ang pagkakaupo sa puwesto. Gaya nang natalakay na natin ang lahat ng mga akusasyon ni Andal na ang pulong noong Sept. 22, 2000 na nagtalaga sa puwesto sa mga direktor at opisyal ng kompanya ay ilegal ay puro hinabing kasinungalingan lamang, batay sa sinumpaang affidavit ni Africa sa piskalya ng Makati.

Kahit government nominee si Andal sa board, dapat muna niyang patunayang may pag-aari siya kahit man lang isang share sa kompanya. Iyan ang isinasaad ng batas o corporation code na kahit ang nominasyon ng palasyo ay di puwedeng baliin.

Nilitanya na ni Africa sa kanyang sworn affidavit sa Makati prosecutor’s office ang mga kasinungalingan ni Andal. Natalakay na natin ang mga ito. Mga kasinungalingang naglalayong isulong ang agenda ng grupo ni Nieto. Kabilang sa grupong ito sina Luis Lokin Jr. at Philip Brodett na nahaharap ngayon sa kaso sa korte porke nagpapanggap diumano na miyembro ng board ng PHILCOMSAT at POTC.

Konsernado tayo sa kompanyang ito dahil may sosyo ang taumbayan dito. Matagal na ang power struggle sa kompanya at hangga ngayo’y di pa nareresolba.

AFRICA

ANDAL

KATRINA PONCE ENRILE

LUIS LOKIN JR.

MAKATI

MANUEL ANDAL

MANUEL NIETO

PHILCOMSAT

PHILIP BRODETT

VICTOR AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with