^

PSN Opinyon

Drug courier papupuslitin sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
CONGRATS kay NBI Sr. Agent Ray "LAKAY" Lagasca sa pagiging Executive Officer ng National Bureau of Investigation sa Palawan.

Tiwala kasi si NBI bossing Wykes sa kakayahan ni Ray pagdating sa pagsugpo ng kriminalidad sa kanyang nasasakupan.

Masayang tinanggap ni Palawan Governor Joey Reyes ang bagong appointment ni Ray.

Mabuhay ka!

Ang isyu, itinago pero nabuko ng mga miyembro ng NAIA Press Corps Inc., ang kabulastugan na isyu tungkol sa dalawang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency na nagtangkang ipuslit palabas ng Pinas ang isang Syrian national na pinaniniwalaang courier ng international drug syndicate na nauna nang nasakote ng authorities sa paliparan.

Kinilala ni Bureau of Immigration bossing Alipio Fernandez Jr. ang culprit na si Maher Alchoufi, 38, holder ng Syrian passport No. 4503148.

Hindi biro ang budget ng PDEA dahil tumataginting ito sa P125 million a year kaya para magpuslit pa ng drug courier ang mga agent U-2-10 nila malaking dagok ito sa pamunuan ng drug enforcement.

Tama ba, PDEA bossing Anselmo Avenido, Sir!

Sa imbestigasyon ng BI noong nakaraang Wednesday nagpaalam daw ang dalawang agent U-2-10 kay Annie Ong para alalayan ng dalawa si Alchoufi para sumakay sa Philippine Airlines flight PR-310 patungong Hong Kong.

Duda si Annie sa dalawa kung bakit kailangan pang eskortan paalis si Alchoufi.

Sa pangangalaykay ng Immigration, nalaman nilang si Alchoufi ay nauna nang nasakote noong Mayo 23 ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group sa final boarding gate, west satellite dahil sa pag-iingat ng dalawang gramo ng shabu na gagamitin niya para siya mag-tripping habang lumilipad ang eroplano papuntang Hong Kong.

"Balak palang mag-jump bail ang culprit kaya gusto itong ipuslit palabas ng Pinas," anang kuwagong Kotong cop.

"May pitsa kaya?" tanong ng kuwagong urot.

"Tiyak iyon!"

"Sino ang maglalakas-loob na eskortan ang kamote kung alaws bread," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Mabigat ang imbestigasyon todits kamote, sana makalawit ang dalawang eskort gang ng PDEA?"

ALCHOUFI

ALIPIO FERNANDEZ JR.

ANNIE ONG

ANSELMO AVENIDO

AVIATION SECURITY GROUP

BUREAU OF IMMIGRATION

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE OFFICER

HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with