^

PSN Opinyon

Government vehicles target ng Bitag

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MATAPOS naming maaktuhan noong Biyernes a-trese ang isang 6x6 truck ng Philippine National Police (PNP) na nakaparada sa tapat ng AIC Gold Tower Condominium sa Ortigas at ginagamit panghakot ng personal na gamit ng isang General Dapat, muli kaming nagka-interes bisitahin ang ilang kilalang lugar na gimikan sa Quezon City.

Ilang matatagumpay na operasyon na rin ang naisagawa ng BITAG laban sa ilang mga sasakyang pang-gobyernong ginagamit sa pagbubulakbol at personal na kapritso ng ilang kawani ng gobyerno. Tinawag namin itong ‘operation red plate’...

Nitong nakaraang Miyerkules, sa muli naming pagsuyod sa ilang kilalang KTV bar at restaurant sa Quezon City, agad natawag ang aming pansin ng isang Tamaraw FX na may tatak, ‘for offical use only’, may pulang plaka at nakaparada sa harap ng isang kilalang comedy bar.

Ng aming sitahin, nalaman namin na taga-Bureau of Internal Revenue (BIR) pala ang mga sakay nito.

Naging palaisipan sa amin kung ano’ng ginagawa ng mga taga-BIR sa ganitong lugar sa dis-oras ng gabi...

Nagulat ang BITAG ng lumapit sa amin ang mga kawani ng BIR na naka-uniporme pa at may dalang mission order. Nagsasagawa daw ang BIR ng inspection sa mga bar at restaurant sa Quezon City.

Tinututukan at masusing tinitingnan daw nila kung tugma ang kinikita ng ilang mga establisyimento sa kanilang binabayarang buwis…

Kaya naman pala biglaan ang paglaki ng tax collection nitong nakaraang buwan, dahil na rin sa puspusan at seryosong kampanya ng BIR.

Kung magpapatuloy, isa ang proyektong ito sa pinakamatagumpay na proyekto ng pamahalaan na nakita namin. Natitiyak namin, seryoso ang BIR sa kampanyang ito.

Kung puspusan at tutukan ang ginagawang pag-a-audit ng BIR sa mga KTV bar at restaurant sa Quezon City, seryoso rin ang BITAG sa pagsasagawa ng sarili naming auditing ng mga sasakyang pang-gobyerno na ginagamit sa personal na kapritso ng ilang tiwaling empleyado.

Sakaling may maaktuhan muli ang BITAG, hindi kami magdadalawang isip na ipaalam sa mga ito kung ano ang tama.
* * *
Bitag hotline, i-text (0918) 9346417, (0927) 8280973, o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, "BITAG".

BIR

BITAG

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

GENERAL DAPAT

GOLD TOWER CONDOMINIUM

ILANG

NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with