Away ng mayors kay BF, tigilan na
May 10, 2005 | 12:00am
ANO bang mahihita ng mayors sa pakikipag-away kay MMDA chairman Bayani Fernando? Sisikat ba silat iboboto ng street vendors na pinalalayas dahil sa pagsisikip at pagkakalat sa kalye, o ng reckless bus drivers na dinidisiplina sa pagpapasada? May maipapalit ba sila sa sidewalk-clearing teams at traffic enforcers ni BF? May mas mabisa ba silang paraan ng pagbalik ng kaayusan at kalinisan sa mga komunidad?
Hindi lahat ng 17 mayors sa Metro Manila ang tumutuya sa bawat kilos ni BF. Ilan lang sila, mga apat o lima, pero nakakatulig na sa tenga ang mga angal nila. Kesyo barumbado o bobo raw lahat ng anti-vending at traffic enforcers, kesyo pasista kuno si BF at labag sa batas ang mga kilos. Pwe! Ang mga maangal, dahil inefficient, na mayors ang lumalabag sa batas kung hindi nila ayusin ang trapik, hulihin ang smoke belchers na sumisira sa kalusugan ng madla, linisin ang bangketa para madaanan ng pedestrians, at patalsikin ang squatters na nagnanakaw ng lupang pribado o pampubliko.
Suriin sana ng mayors ang surveys. Kinagigiliwan ng madla si BF dahil taglay niya ang mga katangiang matagal nang hinahanap ng Metro Manilans sa kanilang pinuno. Ito ay ang pagpapatupad ng batas sa lahat, mayaman man o mahirap, bata o matanda, babae o lalaki. Hindi parating tama si BF. May mga sablay siyang eksperimento sa traffic o sanitation o anti-squatting. Natural lang sa tao magkamali. Pero ang maganda kay BF, winawasto niya kaagad ang mali. At kung may eksperimento, inaanunsiyo naman niya muna, at humihingi ng pasensiya sa perhuwisyong maaring idulot. Halimbawa sa pink fences, sinabi niya na dalawang linggo lang sana, pero humingi ng isa pang linggong extension nang mapansing sadyang sinasabotahe ng bus driverssa pamamagitan ng pagharang sa intersectionsang programang paglimita sa kanila sa yellow lanes.
At dinadaan ni BF sa masayang pagpapatupad ng batas. Tulad ng wet rags, na pang-disiplina sa habitual jaywalkers. Nag-angalan agad ang mayors na kesyo bastos ito. Pero naging epektibo naman, nakakatawa pa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest