^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Walang katapusang pagbabanta sa mga kurakot

-
MARAMING beses nang nagbanta ang Arroyo administration laban sa mga corrupt sa gobyerno pero hanggang ngayon, nariyan pa rin ang mga matatakaw na buwaya. Madali lamang magbanta pero mahirap gawin. Hindi na malaman ng taumbayan ngayon kung totoo ba o pakitang tao lamang ang kampanya ng gobyerno laban sa mga buwaya. Sabi ni President Arroyo hindi itotolerate ng kanyang administrasyon ang anumang uri ng corruption at hinikayat niya ang taumbayan partikular ang mga witnesses sa mga nangyayaring anomalya sa gobyerno na isubmit ang mga ebidensiya sa Presidential Anti-Graft Commission.

Ang nangyayaring corruption sa mga ahensiya ng gobyerno ay hindi nalilingid sa mga opisyales ng ibang bansa. Noong Biyernes nagpaalala si United States Deputy Secretary of State Robert Zoielllick na dapat magkaroon ng progreso ang gobyernong Pilipinas sa paglaban sa mga corrupt. Mariin ang pagkakasabi ni Zoiellick na para bang alam na alam niyang talamak ang corruption sa bansa. Sabagay, madali ngang malalaman ni Zooeillick ang talamak na corruption sapagkat maski ang mga American businessman ay matagal nang iniaangal ang problemang ito.

Matapos ang pagpapaalala ni Zoiellick tungkol sa corruption, muli na namang nagbanta si Mrs. Arroyo. Hindi raw niya itotolerate ang mga corrupt. Napagbalingan pati niya ang mga opisyal ng government firms na masyadong gumastos o mapag-aksaya. Noon pa ay binalaan na niya ang mga opisyal ng gobyerno na huwag aksayain ang pondo ng gobyerno. Magtipid ang kanyang sinabi.

Pero nakinig ba ang mga opisyal niya? Isang malaking NO ang sagot. Halimbawa na lamang dito ang opisyal ng Coconut Industry Investment Fund (CIIF) na si Rolando Golez na umaming ang kanyang bagong sasakyan at pati na ang pag-aabroad kasama ang asawa ay galing sa pondo ng CIIF. Pero iyon daw ay nakalaan talaga sa kanya bilang pinuno ng CIIF. Ang ganitong luho ng mga CIIF officials ay inihayag na rin ni dating PCGG chairwoman Haydee Yorac. Milyong piso ang nagagastos ng mga CIIF officials para sa kanilang mamahaling sasakyan, pagiging member ng golf club, gastos sa gasoline at pagkain at ang matindi ay ang pagbibiyahe sa ibang bansa.

Madalas ang pagbabanta ng Presidente laban sa mga corrupt sa pamahalaan. Mabibigat ang kanyang babala. Pero may kulang. Hindi niya nagagawa. Walang political will. Isang dahilan kaya patuloy ang mga buwaya sa paninila.

COCONUT INDUSTRY INVESTMENT FUND

HAYDEE YORAC

ISANG

MRS. ARROYO

NOONG BIYERNES

PERO

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

ROLANDO GOLEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with