Rep. Suarez, 'wag patayin ang gansang nangingitlog ng ginto
May 5, 2005 | 12:00am
MAY proposal si Quezon Province Rep. Danilo Suarez para malutas daw ang malaking problema sa pananalapi ng pamahalaan. Ibenta raw ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na pag-aari ng pamahalaan.
Anong bulok na ideya ito? Katuwiran ni Suarez, mas kikita raw ang pamahalaan kung isasapribado ang PAGCOR hindi lamang sa pinagbentahan kundi sa tax na ibabayad ng pribadong may-ari. Iyan ang panukala ni Suarez na nakapaloob sa House Bill 4136.
Sorry, pero hindi ko makita ang logic. Paano kikita ng mas malaki ang PAGCOR kung nasa kamay ng pribadong sektor gayung sa ngayoy buong-buong napupunta sa gobyerno ang kita nito?
Ang tax ay ga-patak lang ng kabuuang kita. Paano sasabihing kikita ng mas malaki ang gobyerno? Kahit pupil sa elementary na may common sense ay alam iyan.
At pagpalagay nang ibebenta ito, Sinong investor ang may P50 bilyong kapital para bilhin ang PAGCOR? Siguro sina Bill Gates at Sultan Bolkiah ng Brunei ay may ganyan kalaking pera. Pero kakagat ba sila sa proposal na bilhin ang PAGCOR?
Ang PAGCOR ay isang "gansang" nangingitlog ng ginto para sa pamahalaan. Kung ganid ka, kakatayin mo ito para makakuha pa ng mas maraming ginto sa tiyan. Pero in the long run, nawalan ka ng pangmatagalang source of income.
Isang scenario lang ang nakikita ko kung maibebenta ang PAGCOR. Magkakaroon ng rambol ang mga sakim na opisyal ng gobyerno sa partihan ng kita. Alam niyo na, komisyon at katakut-takot na kickback. Sa laki ng perang involved sa bentahan, kahit kalahating porsyento lang ang mapunta sa iyoy buhay hari ka na.
Kung lahat ng mambabatas ay gagawa ng ganito ka-estupidong batas, tiyak mabubura na sa mapa ang Pilipinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest