Tunay na laman at dugo
April 15, 2005 | 12:00am
ANG Ebanghelyo ngayon ay bahagi pa rin ng kabanata kung saan tinukoy ni Jesus na siya ang pagkaing nagbibigay-buhay. At ang sinumang kumain ng kanyang laman at uminom ng kanyang dugo ay mabubuhay magpakailanman.
Gaya nang nabanggit ko sa nakaraang kolum, ang tinutukoy ni Jesus dito ay ang pagtanggap ng Banal na Eukaristiya: Pagtanggap sa kanyang katawan at pag-inom sa kanyang dugo. Basahin ang Juan. 6: 52-59.
Dahil ditoy nagtalu-talo ang mga Judio. "Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kainin natin?" tanong nila. Kaya sinabi ni Jesus, "Tandaan ninyo: Malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo, tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nitoy mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon." Sinabi ito ni Jesus nang siyay nagtuturo sa sinagoga sa Capernaum.
Sa Banal na Eukaristiya, hindi lamang ang Katawan at Dugo ni Jesus ang ating tinatanggap, kundi pati na rin ang kanyang mga Salita, ang kanyang buong pagkatao. Palagi natin uulit-ulitin sa kolum na ito na karaniwan, kapag tayo ay kumakain, ang pagkaing ating kinakain ay nagiging bahagi ng ating katawan. Ngunit kapag tinanggap natin ang Katawan at Dugo ni Jesus, tayo ay nagiging kabahagi niya. Sa gayon, tayo ay nabibigyang kasiguruhan na tayoy may buhay na walang-hanggan.
Kaya sa ating buhay-pananampalataya, napakahalaga na isabuhay natin ang mga Salita at tagubilin ni Jesus: Pagmamahal sa kapwa, pagpapatawad, pagtataguyod ng katarungan, paghahasik ng kapayapaan. Katuwang nito ang patuloy na pagtanggap sa Katawan at Dugo ni Jesus sa Komunyon upang mapasigla ang ating kaluluwa at mapayabong ito ayon sa kalooban ng Ama.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended