^

PSN Opinyon

Acierto, na-‘wow mali’ sa akusasyon vs Lin Wei Xiong!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Na-“wow mali” kaya si dismissed police Col.Eduardo Acierto sa akusasyon niya laban sa negosyanteng si Lin Wei Xiong?

Ang katanungang ito ay umiikot sa Metro Manila matapos lumutang ang asawa ni Lin na si Rose Nono Lin, at tahasang nagsabing ang esposo niya at si Allan Lim na isinasangkot ni Acierto sa illegal drugs trade ay magkaiba. Ayon kay Acierto, si Lim at dating economic adviser ni ex-President Duterte na si Michael Yang ang nasa likod ng malaganap na problema ng droga sa bansa.

Ayon kay Rose, ang asawa niya ay isang negosyante­, at ang palayaw na ginagamit ay Jeffrey. Maging si ex-PDEA director Wilkens Villanueva ay humirit sa naka­ra­ang quad comm hearing na ang dalawang litrato na ipinakikita ni Acierto ay magkaibang nilalang. Ano ba ‘yan?

May mga inosenteng nilalang pala na nadadamay sa awayan sa pulitika sa Pinas, ‘no mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa nagdaang quad comm hearing, sumipot si Rose bilang resource person, at ganun din si Acierto sa pa­ma­magitan ng zoom. Iginiit ni Rose na ang akusasyon laban sa kanyang asawa ay pawang nakasalig sa unverified information’s na nakalap ni Acierto na isinumite niya noong 2019 kina ex-PNP chief Oscar Albayalde at ex-PDEA director Aaron Aquino.

Sa nasabing report, iginiit ni Acierto na base sa kanyang informant, si Lim, na kilala bilang Lin Wei Xiong at Michael Yang ay sangkot sa illegal drugs trade sa panahon ni Digong. Sanamagan!

Matagal kong kasama si Acierto sa AIDSOTF, na nga­yon ay PDEG na, at marami itong accomplishments. Kaya lang tao lang ito na maaring magkamali rin. Baka galit lang ang informant niya kay Lin kaya isinubo siya kay Acierto. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

“My husband is being accused of something that he is not. He is a legitimate businessman. My husband’s name is Lin Wei Xiong and my husband also uses the name Jeffrey, but not Allan,” ang pagpupunto ni Rose.

Aniya, may 11-taon na silang nagsasama at wala siyang alam sa mga pangalang tulad ni Lim na ikinakabit sa kan­yang asawa. Ang kanyang asawa, ani Rose, ay hindi nagtatago sa Dubai at bilang patunay nagkita sila kailan lang sa Hong Kong kung saan inaasikaso nito ang kanyang negosyo. Dipugaaaaa!

Hinamon ni Rose si Acierto na sampahan ng kaso ang kanyang asawa sa korte para masagot nila ang maling paratang laban sa kanya. Sinisiguro rin ni Rose na patuloy siyang makipag-cooperate sa pagdinig ng quad committee sa usapin patungkol sa illegal na droga. Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang!

Sa nasabing pagdinig, naimbitahan din si Villanueva kung saan sinabi niyang magkaiba ang mga nilalang sa litratong ipinakita sa kanya. Kinumpirma ni Villanueva na ang asawa ni Rose na si Lin ay ‘yaong walang bigote. “Sa image identification Mister Chair, I confirm na hindi sila pareho,” paglilinaw ni Villanueva. Tsk tsk tsk! Abangan!

EDUARDO ACIERTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with