^

PSN Opinyon

Pekeng fishing boats ng China

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Mahilig talagang mameke ang China sa maraming bagay, mula sa mga consumer products hanggang sa mga pekeng isla na itinatayo sa karagatang nasa teritoryo ng Pilipinas. Ngayon naman, napaulat na nagdedeploy ng sangkatutak na fake fishing boats ang China pati sa kara­gatang sakop ng Pilipinas.

Mga barkong militar ito na nagkukunwaring barkong pa­ngisda o coast guard vessels na nagpapakita ng kani­lang maitim na balak na mang-agaw ng teritoryo. Talagang sa araw-araw ay laging tumataas ang antas ng pagka­agre­sibo ng China.

Palibhasa, ang dating pangalan ng kabiserang lungsod ng China ay Peking na ngayo’y naging Beijing. Pasensiya na sa konting patawa kahit ang issue ay hindi na nakata­tawa.

Nagdaos ng joint press conference sina Teodoro at ang kanyang U.S. counterpart na si Defense Sec. Lloyd Austin upang pagtibayin lalo ang commitment sa mutual defense ng dalawang bansa.

Nagkaisa ng obserbasyon ang dalawa na nakababahala na ang ginagawa ng China ngunit tiniyak ni Austin na matibay ang commitment ng U.S. sa Mutual Defense pact ng dalawang bansa.

Malapit na kasing maluklok bilang Presidente ng U.S. si Donald Trump at hindi maseguro ng China kung ano ang magiging policy ng bagong administrasyong Trump sa China. Marahil ipinakikita ng China ang matalas na “pangil” nito na nagsasabing hindi ito takot sa U.S.

Tiniyak ni Austin na kahit sino pa ang maging President, hindi magbabago ang iron-clad commitment ng U.S. sa lara­ngan ng mutual defense.

Kung talagang maninindigan ang U.S. sa tratado ng dalawang bansa ay malalaman lang kapag nanungkulan na si Trump simula sa Enero ng papasok na taon.

CHINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with