^

PSN Opinyon

Hindi kailangang bunutin agad ang ngipin

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NAG-UUMAPAW ang galak sa dibdib ng kilalang orthodontist at TMJ expert na si Dr. Noel Velasco dahil maging ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at mga nagbabalik-bayan ay dumadagsa sa kanilang dental clinic sa Katipunan Avenue, Quezon City para komunsulta at magpagamot.

Si Evelyn Cosby ng Palisade, New Jersey ay personal na sinadya si Dr. Velasco para magpa-root canal at magpalinis ng ngipin. Gaya ni Mrs. Cosby, si Rol Labrador ng Los Angeles, California ay nagpalinis din at nagpa-teeth whitening. Gusto sana niyang ipabunot ang dalawang ngiping may butas pero pinayuhan siya ni Dr. Velasco na huwag magpabunot manapa’y ginamot niya ang mga sirang ngipin. Tutol si Dr. Velasco sa walang pakundangang pagbunot ng ngipin. Ayon sa kanya, kapag nabunot na ay wala nang pag-asang tubuan ng panibagong ngipin.

Bago tumulak patungong Dubai si Edith Lee ay nagpa-tooth implant siya. Problema naman sa gilagid ang matagal nang inirereklamo ni Art Gonzales, isang construction worker sa Saudi Arabia. Sa madalas na pagsakit ng gums niya ay hindi siya makapagtrabahong mabuti kaya madalas siyang mapagalitan ng boss niya. Nalutas ang gingivitis ni Art pati na rin ang pananakit ng batok at leeg niya ay naremedyuhan ni Dr. Velasco. Para sa karagdagang kaalaman, matatawagan si Dr. Velasco sa 913-4947 at 0917-8542274.

vuukle comment

ART GONZALES

DR. NOEL VELASCO

DR. VELASCO

EDITH LEE

KATIPUNAN AVENUE

LOS ANGELES

MRS. COSBY

NEW JERSEY

QUEZON CITY

ROL LABRADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with