Dayuhan bawal magbitbit-baril
April 12, 2005 | 12:00am
ANO itong gusot tungkol sa mga delegado sa nakalipas ng International Parliamentary Union convention na may mga dalang baril? Kesyo apat na parliamentarians daw mula Australia ang nakipag-atintero sa security sa PICC dahil ayaw ideposito ang mga baril sa entrance. At nagwala raw ang isang Israeli delegate dahil isinoli na ang baril niya pero ayaw ibigay sa kanya ang baril ng pamangkin na nasa loob pa ng session hall.
Teka nga muna, di bat patakaran ng PNP Firearms and Explosives Division na mga Pilipino lang ang puwedeng magka-lisensiya at magbitbit ng baril? Ang exemption lang ay kung may joint exercise sa militar ng ibang bansa. O, e paano nakapagpasok ng baril ang mga dayuhang yan, at bitbit pa nila sa mga lansangan sa Maynila? Buti na lang, walang insidente kung saan maaring nagamit nila ang baril o kaya naagawan ng armas ng terorista. Pero lumalabas na ang PNP-Aviation Security Group at ang mga namahala ng seguridad ng IPU conference ay hindi alam ang patakaran ng PNP-FED. Dapat silang papanagutin sa breach of security.
Dapat bigyang-pansin lalo ang insidente ng Israeli delegate na si Dan Loviv. Kasabay ang negosyanteng-pamangking si Abby Giueta, pumasok si Loviv sa PICC nung Huwebes at ipinaiwan ng babaing pulis ang mga baril nila. Di nagtagal, bumalik si Loviv para kunin ang mga baril. Ni-release ng policewoman ang kay Loviv, dahil dapat magpakita sa kanya mismo si Giueta. Nagwala at nagsisigaw si Loviv. Para patahimikin, inutos ng superior sa policewoman na ibigay na rin ang baril ng pamangkin.
Aba, ganun lang ba? Maghihiyaw lang ang isang dayuhan ay pagbibigyan na? E kung ang ihiyaw ng isang foreign diplomat ay gusto niyang pumatay o gumahasa ng Pilipino, papayag na lang ba ang pulis?
Ni hindi delegado si Giueta. Stockholder at manager siya sa isang security agency sa Manila. Kataka-taka ito dahil mga Pilipino lang ang maaring magmay-ari at mamahala ng security agency. Binunyag ko na ito nung 2004, nang mahuli ang isang British at isang Canadian trainers ni Giueta sa Cebu na may dalang high-powered firearms. Abay patuloy pa!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended