^

PSN Opinyon

Holy week attack!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BINABATI ko Ang LAKAY FRIED CHICKEN, sa Puerto Princesa, Palawan na matatagpuan sa Airport Hotel.

Masarap, malinis, malasa at malinamnam ang manok ni Mr. Ray Lagasca, ang pilantropong owner at walang kahilig-hilig sa bebot.

Ang isyu, mabagsik ang intelligence report na nakuha ng mga awtoridad sa NAIA porke dehins nakalusot ang isang Arabo na sinasabing miyembro ng Al-Qaeda at sangkot sa Bali, Indonesia bombing noong 2003.

Si Abdullah Nassar Alarifi, 34, ay dumating noong Martes sakay ng PAL flight PR-659 from Riyadh.

Noong Marso 4, 2003, nakatala ang pangalan ni Abdullah bilang blacklisted allien sa listing ng Bureau of Immigration na pirmado ni dating BI Commissioner Andrea Domingo.

First time lang pala nakapasok si Alarifi sa Pinas pero ang US of A agents ang siyang nagbigay ng pangalan kay Andrea para i-blacklist ito.

Isa palang student pilot si kamote este mali Alarifi pala at sinasabing isa sa promoter este mali nagpasabog ng Marriotte Hotel sa Bali, Indonesia.

Sinasabing kasama si Kamote este mali Alarifi pala sa mga nag-pautot este mali nag-plano pala para pasabugin ang Twin Tower sa New York City noong Sept. 11.

Nagulat ang mga Immigration officers nang makita ang pangalan ni Alarifi nang iabot nito ang kanyang passport sa counter. Sabi nga, positive na sila sa identity ni kamote este mali Alarifi pala!

Matagal na kasing may impormasyon papasok si Alarifi sa Pinas halos five months na itong hinihintay ng welcome parties na dadakma todits kaya lang always negative sila sa kanilang magastos na operasyon.

Itinago ng ilang gagong immigration officers sa NAIA Press Corps Inc., si Alarifi sa hindi malaman dahilan pero ibinigay nila ang information sa kaibigan nilang taga-media na siya namang nagbato sa foreign wires para lumabas ang story.

Bakit sa foreign wires?

BI Commissioner Al Fernandez, alam mo ba ito?

Dahil todits, pinatindi ang security measures na ipinatutupad sa NAIA matapos makatanggap ng intelligence report na kabilang ang paliparan sa planong pasasabugin ng mga teroristang grupo.

Plano ng mga terorista pasabugin ang halos lahat ng vital installation sa Pilipinas kasama ang mga simbahan. Paging Pope John Paul II.

Sabi ng mga intelihensiya este mali intelligence pala ang operation ng mga terorista ay isasabay sa Semana Santa dahil halos lahat ng mga katoliko ay abala sa nasabing feast day.

Sabi nga, Holy week attack!

Parang hindi na natutulog sina MIAA gene- ral manager Al Cusi at General Angel Atutubo (ret.) na gawin ang pagpapatupad ng mga patakaran at panuntunan bilang bahagi ng mahigpit na pre-cautionary, security measures sa NAIA.

Sabi ni Cusi, dehins nila kayang i-kompromiso ang kaligtasan ng mga innocent passengers at gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang hadlangan ang anumang masamang tangka ng grupong terorismo sa kanyang jurisdiction.

‘‘Tiyak matindi na naman ang traffic papasok ng NAIA?’’ anang kuwagong haliparot sa Malabon.

‘‘Humihingi ng despensa sina Cusi, Atu- tubo at PNP-ASG bossing Andy Caro III sa mga Noyping punumpuno ng NAIA’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘For information, ‘‘No ID, No Entry’’ policy at pagbusisi sa lahat ng mga hand-carried at checked-in baggage na naglalaman ng electric/electronic device na puwedeng gamiting materyales sa pagpapasabog’’ natutuwang sabi ng kuwagong urot.

‘‘Paano ang terorista ngayon sa NAIA?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Dehins sila puwede todits.’’

‘‘Eh kung makalusot?’’

‘‘Iyan ang abangan natin tekamots!’’

AIRPORT HOTEL

AL CUSI

ALARIFI

ANDY CARO

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER AL FERNANDEZ

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

CUSI

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with