^

PSN Opinyon

Marami pa ring walang trabaho

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
LIMANG milyong Pinoy ang walang trabaho. Marami sa mga college graduates ang wala pa ring trabaho. Ilan sa kanila ang nakapanayam ng BANTAY KAPWA na bigo pa rin na makakuha ng mapapasukan. Kung saan-saan na sila nag-aaplay pero hindi pa rin makakuha ng trabaho.

Kamakailan, isang job fair ang ginanap sa Philippine Trade Center at ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ay umaabot sa 20,000 trabaho ang naghihintay sa mapipiling job applicant. Animnapung kompanya raw ang nakatakdang mag-operate bago matapos ang taong ito. Ang mga kompanya ay laan sa manufacturing and service sectors. Napag-alaman dun na maraming job openings sa pagbubukas ng mga "call centers" sa Quezon City.

Nauna rito, ipinahayag ni Labor Secretary Patricia Santo Tomas na ang mga aplikante ay dapat na maraming skills. Nakasalalay din ang diskarte ng job applicant para suwertehin sila. Dapat na qualified sila sa position, magsumite ng mahusay na resumé at mahusay sumagot sa mag-iimbestiga sa kanila. Dapat na mentally and physicall-fit sa trabahong pinupuntirya at maging malinis at maayos ang suot. Dagdagan din naman ang pagdarasal.

ANIMNAPUNG

DAGDAGAN

DAPAT

EMPLOYERS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

ILAN

KAMAKAILAN

LABOR SECRETARY PATRICIA SANTO TOMAS

MARAMI

PHILIPPINE TRADE CENTER

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with