^

PSN Opinyon

Editoryal - Katarungan sa mga pinatay na journalists

-
ANIM na Pilipinong journalists na ang napapatay ngayong taong ito. Apat na buwan pa ang nalalabi sa 2004 at maaaring madagdagan pa ang bilang kung hindi mag-iingat ang mga journalists mismo. Sila na ang dapat mag-ingat sapagkat hindi naman sila kayang protektahan ng Philippine National Police (PNP). Dahil hindi nga kayang protektahan kaya si PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane ang nag-suggest na armasan na lamang ang mga journalists. Isang suhestiyon na nagpapakita lamang na walang kakayahan ang pulisya na mapangalagaan ang bawat isa. Kung ang mga killer ng journalists ay hindi madakma ng mga pulis, gaano pa ang mga pumatay sa iba pang tao. Malabo. Kaya nga para hindi mabuking ang kawalang kakayahan, gusto ni Ebdane na armasan na lang ang journalists. Karamihan sa mga pinatay na journalists ay mula sa print at broadcast media.

Ang pag-aalok ni House Speaker Jose de Venecia ng P2-milyon para sa sinumang makapagtuturo sa mga pumatay sa mga journalists ay magandang hakbang para malutas na ang mga kaso. Maaaring sa pagbibigay ng reward ay may madadakip nang mga tao na pumatay o kasangkot sa pagpatay sa mga journalists. Hindi na kailangan ang pulis para hanapin ang mga pumatay. Sa laki ng P2-milyon tiyak na maglalabasan sa lungga ang mga nais makapagsumbong. Si De Venecia na dati ring journalists ay umaasang matatapos na ang mga pagpatay na ginagawa sa mga journalists.

Mula 1986 hanggang sa kasalukuyan, 79 na journalists na ang napapatay. At sa maniwala o hindi, isa pa lamang ang nahahatulang mabilanggo. Ang 78 na pinatay na journalists ay hindi natatahimik ang kaluluwa. Kung gaano kasakit sa kanilang kamag-anak ang hapdi ng kamatayan, ganyan din marahil ang nararamdaman nilang kirot. Walang nakaaalam kung kailan mahuhuli ang mga pumatay sa mga journalist pero maaaring mapabilis na ngayon dahil sa ginawang reward ni Speaker De Venicia.

Mahirap ang maging kalagayan ng mga journalist sa bansang ito. Ang isang paa ay nasa hukay. May masaling o maibulgar na kasamaan ay maaaring magdulot sa kanya ng kamatayan. Parang manok o ibon lamang na babarilin. Tigok na agad. Mas matindi kung ang naitumbang journalists ay maraming anak na sa pagiging mamamahayag lamang kumukuha ng ipinakakain sa pamilya.

Katarungan para sa mga journalists. Kumilos naman sana ang pulisya para maprotektahan hindi lamang ang mga journalists kundi ang lahat sa kuko ng mga kriminal.

APAT

DAHIL

HERMOGENES EBDANE

HOUSE SPEAKER JOSE

JOURNALISTS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SI DE VENECIA

SPEAKER DE VENICIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with