OFWs malaki ang pangangailanagn sa pabahay
August 11, 2004 | 12:00am
Ang mga OFWs ang kinikilala nating mga bagong bayani. Sa milyun-milyong mga OFWs na nasa ibat ibang panig ng mundo makikita ang hangarin ng mga kababayan nating makipagsapalaran sa ibang bansa mabigyan lamang ng mabuting kinabukasan ang kanilang mga pamilya. Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga OFWs at ang kanilang mga pamilya ay ang pagkakaroon ng disente at maayos na tahanan. Ang pagkakaroon ng sariling bahay at lupa, gaya ng pagbibigay ng edukasyon sa mga anak ay isa sa mga pangunahing pangarap ng mga kababayan nating nasasakripisyo sa ibang bansa.
Dahil sa pangangailangan sa pabahay ng mga OFWs at ang kanilang pamilya, ang ilang mga bangko ay naglaan ng housing loan para sa kanila. Isa dito ang Bank of the Philippine Islands (BPI) na may programang sadyang para sa mga OFWs. Sa katunayan, naglaan ito ng humigit-kumulang ng P100 milyon para sa housing loan ng mga OFWs.
Patuloy pa rin ang Pag-IBIG Overseas Program (POP) sa pagpapautang sa mga OFWs at sa kanilang mga pamilya upang sila ay makabili o makapagpatayo ng bahay at lupa. Sa ilalim ng POP, ang isang OFW na miyembro na may 12 buwanang kontribusyon ay maaaring umutang hanggang P2 milyon. Mula Enero hanggang Hunyo ng taon ay may 363 POP housing loan applications na nagkakahalaga ng P268.4 milyon na ang naaprubahan. Ito ay mas malaki sa kabuuang POP housing loan na naaprubahan noong nakaraang taon na may P219.8 milyon lamang sa may 323 umutang. Maging ang SSS din ay may sariling programa para sa low-cost at socialized housing para sa mga OFWs.
Batid po ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga OFWs sa pabahay kaya lalong pinapalakas ang Pag-IBIG POP at ang pakikipagtulungan sa mga pribadong developers upang mas marami sa ating mga kababayang OFWs ang makakapagpundar ng sariling tahanan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am