^

PSN Opinyon

Agawan sa mga posisyon sa gobyerno

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
ANG panahong ito ang isa sa pinakamahirap na yugto sa pamumuno ni President Arroyo. Namimili siya sa magiging miyembro ng kanyang Gabinete at mga taong hahawak ng iba’t ibang tungkulin sa gobyerno kasama sa mga bakanteng posisyon sa Trial Courts, Court of Appeals at Supreme Court.

Kung tutuusin, libu-libo ring tao ang dapat na piliin kapag may bagong administrasyon sapagkat ang mga dating nakaupo ay inililipat sa ibang posisyon at ang iba naman ay co-terminus ng mga opisyal ng dating pamahalaan. Dito nauso ang kasabihang ‘‘weather-weather’’ lamang o pana-panahon lamang, ika nga. Ang gustong sabihin nito ay, panahon ninyo ngayon, kaya ok lang kung kayo ang maupo. Kami naman ang uupo kapag mga padrino namin ang nasa power.

Kakikitaan na ang pagkainis kay President Arroyo kapag tinatanong siya ngayon kung kailan at mga sino ang napili na niyang mga uupo sa kanyang Gabinete at mga pangunahing tungkulin sa pamahalaan. Ang malimit niyang sagot ay malapit na sapagkat marahil ay talagang nahihirapan si President Arroyo sa pamimili kung sino sa mga nakaupo na ang papalitan niya at mga sino ang ipapalit niya sa mga ito.

Sa Gabinete na lamang, may mga nagbulong sa akin na mahigit na sa isang libo ang mga applications na nasa Malacañang. Kanya-kanyang lakaran ang ginagawa ng mga nais na ma-appoint na secretary at presidential advisers. Matindi ang gamitan ng mga padrino na karaniwan ay mga senador, congressman at mga malalaking pulitiko. Pati mga maimpluwensiyang negosyante kasama na ang mga kilalang Chinese business leaders ay abalang-abala rin sa paglalakad para sa kani-kanilang mga bata.

Umaasa ako sa pangako ni President Arroyo na babaguhin niya ang masama at mabahong pananaw ng taumbayan sa mga naglilingkod sa pamahalaan.

COURT OF APPEALS

DITO

GABINETE

KAKIKITAAN

KANYA

PRESIDENT ARROYO

SA GABINETE

SUPREME COURT

TRIAL COURTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with