Gen. Ebdane bigyan mo ng P 100 thou cash reward si SPO1 Corpuz
August 4, 2004 | 12:00am
HUWAG na tayong magtaka kung inuulan ng grasya si SPO1 Charlito Corpuz ng Mandaluyong City police na nakabaril ng tatlong holdaper sa loob ng pampasaherong bus noong Sabado. Kasi nga, sa sunud-sunod na katiwalian na kinasangkutan ng ating kapulisan nitong nagdaang mga araw tulad ng salvage sa Laguna at mga kasong bangketa, hulidap, kalawit at extortion, eh itong heroic feat lang si Corpuz ang masabi nating positibo na maaring makabura ng mga ito. Maliban sa i-promote si Corpuz, dapat hindi mangiming gawaran siya ni PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. na bigyan ng cash reward na P100,000. Mabuti nga yan at sa trabaho siya nagpasiklab hindi tulad ng iba nating pulis diyan na sangkot sa mga bangketa, kalawit at hulidap na nakakasira pa ng imahe ng pulisya natin. Kapag ginawaran kasi ni Ebdane ng cash reward si Corpuz, tiyak ang mga pulis natin ay maghahanap na lang ng mga kriminal imbes na masangkot sa ilegal, di ba mga suki? Kaya dumadami ang mga kotong cops natin eh siguro ang isang dahilan ay dahil sa kakulangan ng incentives para sa mga nagtatrabaho naman, he-he-he! May pondo naman ang PNP kaya siguradong matatanggap ni Corpuz ang premyo sa kabayanihan niya, di ba mga suki?
Hindi biro ang ginawa ni Corpuz. Kahit nasa balag ng alanganin ang buhay niya, nakipagbarilan siya sa tatlong holdaper sa loob ng JMK-JOJO bus na sinakyan niya para magreport sa trabaho. Kahit may tama na sa kanang kamay, inilipat ni Corpuz ang kanyang kalibre .45 sa kaliwang kamay at inubos nga ang tatlo, he-he-h! Parang sa pelikula ang ginawa ni Corpuz no mga suki? Kaya pala malakas ang confidence ni Corpuz sa kakayahan niya ay dahil na rin sa palagi itong nagsasanay sa firing range. Para handaan ng mga tauhan niya ang pakikipagtuos sa mga kriminal, minabuti kasi ni Supt. Ericson Velasquez, ang hepe ng Mandaluyong City police na magsagawa ng friendly shooting competition sa hanay ng PCP niya at nagbunga naman. Sa sariling bulsa ni Velasquez kinuha ang pondo ng shooting competition pero hindi nangangahulugang umaangal siya, he-he-he! I-reimburse mo na lang kay Gen. Ebdane ang gastos mo, Supt. Velasquez Sir. Maganda naman kasi ang kinalabasan eh!
Mapapansin natin na ang mga naglalabasang balita halos araw-araw ay ang mga hulidap cops at pag-aresto ng apat na pulis SPD sa Laguna na sa aktong nagtatapon ng salvage victim. Isama na natin ang pitong pulis na sangkot sa illegal raid sa Taguig. Teka nga pala, bakit hindi naparusahan ang mga hepe ng tiwaling pulis sa aspetong command responsibility. Kaya lumalaki ang ulo ng mga pulis natin sa ibaba ay dahil sa pagkalong sa kanila ng mga opisyales o station commanders nila.
Panahon na para hagupitin ang mga hepe o station commanders para bantayan nila ang mga kilos ng kanilang mga tauhan, di ba Interior Sec. Angelo Reyes? Eh maganda na sana ang pasok mo diyan sa DILG pero parang kagaya mo rin ang pinalitan mo na si Joey Lina na panay laway lang at walang action.
Umpisahan mo ng sibakin ang mga tiwaling station commanders at tiyak, titingalain ka ng sambayanan Sec. Reyes Sir! Huwag palamya-lamya na parang hinihikayat mo ang mga tiwaling pulis na ipagpatuloy nila ang masama nilang gawain!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest