Kung kulang ka sa calcium baka magka-osteomalacia ka
June 13, 2004 | 12:00am
ANG osteomalacia ay adult form ng rickets. Ang rickets ay isang sakit kung saan mahina ang mga buto. Karaniwan nang dahilan ng pagkakaroon ng osteomalacia ang kakulangan ng Vitamin D subalit mas itinuturong dahilan ang kakulangan ng calcium sa katawan.
Ang sapat na intake ng Vitamin D ay mahalaga sa katawan para maabsorb ang calcium at phosphorous mula sa diet. Ang calcium at phosphorous ay mahalaga para maging matibay o malusog ang mga buto. Kapag wala ang mga mineral na ito maaaring maging deformed o malutong ang mga buto.
Ang pinaka-best na source ng Vitamin D ay ang sikat ng araw. Maaari ring itong matagpuan sa oily fish, dairy products, margarines at breakfast cereals. Ang isang dahilan ng osteomalacia ay ang kakulangan sa sikat ng araw. Ang mga vegetarians din naman ay nasa panganib ng pagkakaroon ng osteomalacia sapagkat ang mga gulay ay may kakaunting taglay na Vitamin D.
Ang matagal na paggamit ng antacids ay maaaring magdulot ng osteomalacia dahil nire-reduce nito ang ability ng katawan para ma-absorb ang phosphorous na nakaiimpluwensiya naman sa level ng calcium sa katawan. Ang high intakes ng phytic acid na matatagpuan sa wheat bran at brown rice ay maaari ring makadagdag sa panganib ng osteomalacia dahil sa absorption ng calcium. Ang pagkawala ng calcium ay pinalulubha naman sa pag-inom ng tatlo hanggang apat na cups ng coffee isang araw. Pinalulubha rin ito nang mataas na intake ng protein o salt. Ang mga pagkain na may oxalic acid (spinach, rhubarb at chocolate) ay maaari ring ma-reduce ang calcium absorption.
Ang treatment sa osteomalacia ay sa pamamagitan ng long-term Vitamin D supplement Calcium-rich foods gaya ng gatas. Makatutulong din ang madadahong berdeng gulay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest