^

PSN Opinyon

"Gay killings..."

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NITONG NAKALIPAS NA ILANG LINGGO SUNUD-SUNOD NA PAGPATAY ANG NANGYAYARI. ANG MGA BIKTIMA AY MGA KABABAYAN NATING MGA "GAYS" O HOMOSEXUAL.

MAY NAGSULAT SA AKIN SA E-MAIL NA NAGPAKILALANG ISANG PSYCHOANALYST. INAMIN NIYA NA SIYA RIN AY ISANG HOMOSEXUAL AT NABABAHALA SI "DR. NEO" (DI TUNAY NA PANGALAN) DAHIL MAAARING "SERIAL KILLINGS ANG NAGAGANAP." IBIG SABIHIN NIYA AY MAY GUMAGALA NA TAONG PUMAPATAY NG SUNUD-SUNOD AT ANG BIKTIMA AY ANG MGA "GAYS."

Limang mga kompirmadong mga homosexual (o mga bading) ang sunud-sunod na napatay nitong nakalipas na buwan. Kinabibilangan ito ng isang kilalang PR man sa katauhan ni Eli Formaran na nagtamo ng maraming saksak at tinangka pang sunugin ng suspect(s). Sinundan pa ito ng isa pang biktima sa Valenzuela na halos lumuwa ang mata sa pahirap na dinanas sa kamay ng suspect(s).

Ayon sa kay Dr. Neo, hindi imposibleng iisa nga ang suspect(s) sa sunud-sunod na pagpatay na ito. At bakit nga ba naman, coincidence na pare-parehong mga bading ang biktima na pare-pareho ding nagtamo ng grabeng pahirap mula sa kanilang salarin.

"Could it be possible that a man with a troubled past, is doing all the killings? If a profile could be run on the criminal, behind the shadow of the iron curtain lurks a dangerous man who could very well have been a violated person in his youth, out to take revenge."


Posibleng mangyari, di po ba? Hindi ba ganun ang nangyari kay Jack the Ripper ng London na ang biniktima ay puro Prostitutes.

"Jack the Ripper, turned out to be a troubled man whose life was messed up by prostitutes in his distant past." Sa katunayan, si Jack the Ripper ay pinaghinalaang may dugong bughaw (Royal blood) at bigla na lamang nawala ito at nahinto na rin ang mga patayan ng mga prostitutes.

Maaring ganito rin ang nangyayari sa mga "gay killings" na ito.

Well, this is just one angle.


Posible rin namang nagkataon nga lang. Nagkataon nga rin kaya na ang mga salarin ng limang krimeng ito ay magkakatulad din ng iniisip na dahil mga bading nga, "they belong to the weaker sex (physically that is)." Hindi ba’t may tendency na kaya-kayanin ang mga bading at kung minsan ay aabusuhin, pagsamantalahan, huthutan ng pera, a, oo nga pala, hingan ng cellphone? Ngayon, pinapatay naman sila. Ano na bang nangyayari sa ating lipunan?.

Umalma na ang organisadong grupo ng mga gays na kumokondena sa mga pangyayaring ito. Kahit naman siguro hindi ka kabilang sa kanila ay mag-aalburoto ka rin. Meron pa ngang isa na nagsabing siguro, oras na para mag-isip-isip ang mga magkakabaro na maging doble ingat sa pakikitungo sa lovers ng katulad nila.

Lahat sa limang kasong ito ay may anggulo ng di pagkakaintindihan ng lover at ng biktima. Yan ang pinakamalakas na motibo.

Tingnan niyo itong "senaryong ito." Nang hindi maibigay ang hinihingi ng suspect, malamang ay pera o kung anumang material, pinagplanuhan ang biktima, pinahirapan bago tuluyang pinatay. Malaki ang possibility na nakagamit ng droga ang suspect(s). Bakit, dahil sa klase ng pagpatay. Karumal dumal. Brutal. Sadista. Hindi gawain ng taong nasa matinong pag-iisip.

Napakarami ngang mga posibilidad na itinuturo ang serye ng pagpatay na ito. Pero katulad ng iba pang mga kaso na araw-araw nating nababasa sa dyaryo at napapanood sa telebisyon, usad pagong ang takbo ng imbestigasyon! Ang masama pa nito, may isa ng nagreklamo ng pambubugbog at torture sa kamay ng mga pulis. Itong driver ni Eli Formaran, pilit daw pinapaamin na siyang salarin, gayong siya nga ang witness.

Hindi na rin naman bago sa atin ang ganitong sitwasyon. Para masabing lutas na ang kaso, may ilulutang ang pulis na suspect para hindi lang masabi na "unsolved" yung mga heinous crimes na nagaganap sa kanilang distrito.

Subalit ano talaga ang nasa likod ng serye ng patayang ito sa ating mga kababayang gays? Trip lang ba talaga? Sino naman ang mananamantala sa kanila? Mga duwag at walang bayag na tao.

Mga tamad na ayaw magbanat ng buto at nakasandal sa mga ito na karamihan sa mga bading ay may diskarte sa buhay at kayang tumayo ng sarili. Mga walang ginawa kundi humingi ng pera at kapag hindi makapagbigay ang bading na "gatasan" nila ng pera, para sustentuhan ang kanilang luho, o pambisyo papatayin na lang sila?

Tama nga siguro ang sinabi ng Dr. Neo, na iparating ang kanyang babala para sa lahat ng gay, to play safe at malayo sa katulad nitong nangyari sa mga ilan nating miyembro ng gay community.

Hangad natin malutas ang mga kasong ito at mahinto na ito. Kayo, ano sa palagay ‘nyo? Ano’ng anggulo nga kaya ang posibleng dahilan ng mga patayang ito?

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, I-TEXT SA 09179904918. MAAARI RIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

vuukle comment

ANO

DR. NEO

ELI FORMARAN

JACK THE RIPPER

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with