^

PSN Opinyon

NBI huwag pasindak sa MERALCO

- Al G. Pedroche -
PAPASOK na sana ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagkasunog ng City State Hotel sa Quiapo na ang sinasabing dahilan ay ang palpak na transformer ng MERALCO na sumabog kamakailan. Pero ayon sa ating impormante, mag-oocular inspection pa lang ang mga NBI agents ay maagap na humarang sa kanilang landas ang MERALCO. Tsk, tsk.

Ayon sa mga NBI agents, pinigilan ang grupo ng mga imbestigador ng mga tauhan ng MERALCO na lapitan ang sumabog na transformer. Kailangan daw ang "court order" bago sila payagang siyasatin ito. That is the peak of arrogance on the part of MERALCO to say the least. Porke ba ito’y isang monopolya sa pamamahagi ng elektrisidad ay exempted ito sa due process?

May nauna nang imbestigasyon ang mga arson investigators ng Maynila. Napatunayang inferior at depektibo ang inilagay na transformer. Seryoso naman ang pamunuan ng City State Hotel sa Quiapo na kasuhan ng P150-milyong danyos ang MERALCO kaugnay nito. Dapat lang na managot ang MERALCO kung sadyang may kapabayaan. Hindi lang ari-arian ang napeperhuwisyo sa kapalpakan nito kundi may mga nadadawit pang buhay katulad nang sumabog ang isang transformer sa Caloocan City na ikinamatay ng ilang batang estudyante nung isang taon.

Ang NBI mismo ay may natanggap na report na ang sumabog na transformer ay nauna nang ibinenta pero tinanggihan ng Light Railway Transit Authority dahil hindi nga sumusunod sa espesipikasyon. At alam n’yo ba na pati yung mga nagsisimba sa Quiapo Church ay nasindak sa lakas ng pagsabog at muntik nang magkaroon ng stampede? Akala siguro’y gawa ng terorista. Pero kung ganyan ang inaasal ng MERALCO na ayaw kumilala sa pananagutan, daig pa marahil nito ang teroristang kampon ni Osama bin Laden.

Isyu ngayon ito na sinasakyan pati na ng iba’t ibang grupo na kumokontra sa kontrobersyal na Purchased Power Adjustment (PPA). Mantakin mo nga naman na sa bilyun-bil-yong kinikita ng MERALCO sa PPA na mula sa naghihikahos na lukbutan ni Juan dela Cruz ay hindi pa maisaayos ang mga pasilidad nito?

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CITY STATE HOTEL

LIGHT RAILWAY TRANSIT AUTHORITY

MERALCO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PERO

PURCHASED POWER ADJUSTMENT

QUIAPO CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with