^

PSN Opinyon

Bukas na ang eleksiyon !

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PARA maiwasan ang pagkabalam at pagsisiksikan sa mga polling places bukas, ipinapayo ng BANTAY KAPWA na maaga pa ay magtungo na kayo sa inyong mga presinto at bomoto.

Sa pagtungo sa mga presinto ay bubulaga sa inyo ang mga taga-suporta ng iba’t ibang kandidato sabay bigay ng mga sample ballots at iba pang propaganda materials at may pagkakataon din na sa mga ipinamumudmod nila ay may kalakip na pera. May mga tatanggi sa alok na bayad ng boto. May magagalit at tahasang sasabihin na hindi nila ibinebenta ang boto. May mga natutuwa at magpapasalamat sa nag-abot ng ‘‘suhol.’’ May mangingiti lang. May tahimik at hindi na lang kikibo pero palihim ding kukunin ang ‘‘lagay.’’

Sa hirap ng buhay ngayon hindi masisi ang ilan nating kababayan na tumanggap ng pera kung hindi tigdadalawang-daan at isang libo pero mas nakararami ang mga naka-ritrato si Ninoy Aquino, ayon sa iba, tang- gapin ang pera pero ang isulat sa balota ay ang mga kandidatong pinaniniwalaan niyo na karapat-dapat na mahalal na manungkulan. Sundin ang inyong konsensiya. Gamitin ang isip at puso sa inyong constitutional right to vote.

vuukle comment

BOTO

GAMITIN

IBA

INYONG

NINOY AQUINO

PERA

PERO

SUNDIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with