Ang paghahari ng Diyos ngayon
May 5, 2004 | 12:00am
DAHIL sa pasyon, kamatayan at pagkabuhay na muli ni Jesus, ang mundo ay napanibago. Subalit ang pagpapanibagong ito ay nagaganap sa puso at kaluluwa ng bawat tao. Ang pagpapanibago ay nagaganap kapag, sa pamamagitan ng pananalig at pagmamahal, tinatalikdan ng tao ang kasalanan at pagkamakasarili at sinisimulang mahalin ang Diyos. Nagiging mapagmahal, magalang at mapagsaalang-alang din siya sa kapwa. Basahin ang Juan 12:44-50.
Malakas na sinabi ni Jesus, "Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Akoy naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kayat ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi."
Ang mga kataga ni Jesus ay mga butil na naipunla sa puso ng bawat tao. Sa pagdaan ng panahon, ito ay magbubunga. Mabubuting gawa ay uusbong. Silay magiging mas mapagmahal at kalingain ang mga mahihirap.
Ang mga kataga ni Jesus ay naghihintay sa mga kapasyahan ng tao. Sa pamamagitan ng liwanag ng Espiritu, mabubuksan ang kanilang mga isip at puso upang tumugon ng "oo" sa mga kataga ni Jesus.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended