^

PSN Opinyon

Estilong "barbaro" ng ilang kandidato

- Al G. Pedroche -
DAPAT sana, ang mga kumakandidato for public offices ay ibenta ang sarili sa publiko sa pagtukoy sa kanilang mga katangian at hindi sa pagwasak sa reputasyon ng kanilang mga kalaban. Estilong barbarian iyan. Handang gamitin ang lahat ng dirty tricks upang tiyakin ang panalo.

Nakakakunsumi na iyang bulok na sistemang iyan na nakamulatan na natin sa bansang ito. Kaya tayo walang asenso. Unethical advertising ang nangyayari. Sa Amerika, usong-uso ang mga advertisement na nagsasabi kung bakit ang produktong ito ay mas magaling kaysa produktong iyon. Pero hindi nito sinisiraan ang kakompitensyang produkto bagamat binabanggit ang pangalan.

Simula nang ako’y magkaisip, ganyan na ang takbo ng maruming pulitika sa bansa. Nagsisiraan at nagbabanatan ang mga politiko sa pamamagitan ng mga advertisement o kaya’y press release. Madalas, hinahalungkat ang mga personal na "baho" ng kanilang kalaban upang wasakin ang pagkatao sa publiko. Ang nangyayari tuloy ay nagiging personalan ang labanan.

At habang palapit na nang palapit ang eleksyon, lalung umiinit ang siraan. Sana’y maging more civil ang ating mga kandidato. Sana naman, tayong mga botante ay hindi magpapatangay sa mumurahing estilo ng mudslinging dahil iyan ay estilo ng mga barbaro na kahit pinakamaruming paraan ay handang gamitin matiyak lamang ang panalo.

Yung ibang kandidato nama’y napipilitan lamang manira bilang ganti sa demolisyong ipinatutupad laban sa kanila ng kalaban sa pulitika. Mag-isip-isip tayo mga kababayan.

Palagay ko, kung sino ang pinakamalakas manira na gumagamit pa ng impluwensya ng media para wasakin ang katunggali ang siyang dapat ibasura at huwag tangkilikin sa eleksyon.

vuukle comment

ESTILONG

HANDANG

KAYA

MADALAS

NAGSISIRAAN

NAKAKAKUNSUMI

PALAGAY

SA AMERIKA

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with