^

PSN Opinyon

Jaundice (una sa serye)

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
HINDI lamang ang mga bagong panganak na sanggol ang apektado ng jaundice kundi maging ang mga adults man. Ang mga sintomas ng jaundice ay madaling makikita. Kung naninilaw ang balat at ang puti ng mga mata, palatandaang mayroong jaundice. Dahilan ito sa accumulation ng yellow bile pigment o ang tinatawag na biliburin sa dugo at nagiging resulta sa malfunction ng atay.

May tatlong uri ng jaundice: 1.) Ang hemolytic type na ang dahilan ay ang breakdown ng reb blood cells; 2.) Ang lever cell jaundice na kadalasang dahil sa hepatitis or liver failure from cirrhosis; 3.) Ang obstructive jaundice na dahilan sa pagbara ng flow ng apdo mula sa atay dahil sa gallstones.

One rare form of hemolytic jaundice is known as favisim, where an inherited defect in a particular enzyme causes red blood cell to be sensitive to a chemical found in a type of broad bean. It results in the destruction of red blood cells leadng to anemia.

Ang uri ng jaundice na karaniwang umaapekto sa mga bagong silang na sanggol ay ang tinatawag na physiological jaundice. Tumatama ito karaniwan na sa mga sanggol na premature ipinanganak. Dahilan ito sa pagiging immature at hindi mahusay ang makapag-excrete ng biliburin. Ganoon pa man, hindi ito mapanganib sa mga sanggol at nawawala pagkaraan ng isang linggo.

Isa sa mga pinakadelikadong uri ng jaundice na umaapekto sa mga sanggol ay ang hemolytic jaundice kung saan ang blood type ng ina at anak ay incompatible.

(Itutuloy)

BLOOD

DAHILAN

GANOON

ISA

ITUTULOY

JAUNDICE

SANGGOL

TUMATAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with