^

PSN Opinyon

Dapat nang masanay si Kabayan sa kalidad ng pulitika

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
WALANG humpay pa rin ang lumalabas na negatibong tsismis laban kay Vice Presidentiable Noli de Castro kahit ibinulgar na ng Palasyo na may naglaan ng P22 milyong pondo para sirain ang imahe niya habang palapit ang May elections. Maging si De Cash-tro ay nagsabi na rin na alam niya kung sino ang nasa likod nitong pagyurak ng kanyang kaluluwa subalit wala pa ring tigil ng pagbaha ng mga isyu laban sa kanya para pigilin nga ang pag-akyat niya sa Palasyo. Kung may sapat na katibayan si De Castro para inguso ang kalaban niya sa pulitika na may pakana ng mga delubyong dumating sa buhay niya, sa tingin ko panahon na para ibulgar niya kung sino siya para husgahan siya ng sambayanan sa darating na halalan nga. Ayon naman sa mga nakausap natin, mukhang hindi naman natitinag itong mga taong pinagsususpetsahan ng Palasyo at ni Kabayad… este Kabayan dahil tuloy pa rin ang dirty tricks laban sa kanya, he-he-he!

Dapat masanay na si De Castro sa kalidad ng pulitika natin, di ba mga suki? Kung sabagay, ipinangalandakan ni De Castro kamakailan na siya ay pro-family at pro-file, na kung ang mga kritiko niya ang maghusga, ay bagay lang sa kanya. Kasi nga sa isang TV interview, nagkautal-utal si Kabayad… este Kabayan sa pag-amin kay Mike Enriquez ng GMA 7 na may anak siya sa practicumer ng RPN 9 noon. ‘‘Totoo ba Mr. Senator na may isa ka pa raw anak na may ngalang Remington Steele?’’ tanong ni Enriquez sa isang live interview na ikinagulat naman ni Kabayan. Namula’t medyo natulala si De Castro bago makasagot ng ‘‘Oo.’’ Ayon kay Noli, 15 anyos na ang anak niya sa naturang practicumer. Sinabi naman ni Pacita ‘‘Baby’’ Torralba, dating asawa ni Kabayan, na batay sa mga kuwento ng common friends nila ni Noli, dapat dalawa na ang naging bunga ng relasyon ni De Castro sa practicumer subalit ipina-abort ang unang supling nila. Pro-life ba ’yan?’’ He-he-he! Ang pulitika talaga. Masyadong marumi!

Sa pag-amin ni De Castro sa anak niyang si Remington, sinabi ng mga nakausap nating mga pulis na ibig bang sabihin nito ay nakipag-affair pa si De Castro sa practicumer habang mag-on sila ni Arlene Sinsuat na asawa niya sa ngayon? Hindi imposible dahil ayon pa kay Pacita, mahilig talaga maghabol ng palda ang kandidato sa pagka-vice president natin. Walang habas daw ang pambabae ni Ka Noli kahit noong kasal na sila, ani Pacita.

Sa tema ng kuwento, habang kasal si Ka Noli kay Pacita ay kinakalantare si Arlene at habang on naman siya kay Arlene ay nakipagrelasyon pa sa practicumer? He-he-he Pro-family nga itong si Ka Noli sa dami ng kanyang naging pamilya, di ba mga suki?

Para pasinungalingan itong mga bintang sa kanya, dapat hikayatin ni Ka Noli ang practicumer na lumitaw at idepensa siya. Kumbinsihin niya ito na tularan ang ginawa ng anak niyang si Manueli na lumabas sa TV para siraan si Pacita. Ano ba ’yan? Ang nakalimutan lang itanong ni Mr. Enriquez kay Ka Noli sa kanyang TV interview ay kung may kakilala itong morenang dating Miss San Juan, na flight stewardess na sa ngayon na napabalitang nabuntis ng isang newscaster. May karugtong!

vuukle comment

ARLENE

CASTRO

DE CASTRO

KA NOLI

KABAYAN

NIYA

NOLI

PACITA

PALASYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with