^

PSN Opinyon

Vice Mayor Lacuna,mangatuwiran ka

- Al G. Pedroche -
KUNG tayo ay nakapaglalathala ng mga negatibong balita laban sa sino mang kandidato, tinitiyak nating ito’y hindi imbento at may basehan. Kasi, ang kandidato ay gaya ng kalakal na ibinebenta. May karapatan ang taumbayan na malaman ang kalidad at kapintasan. Ang dapat gawin ng isang nauupakan ay magpaliwanag. Patunayang mali ang mga alegasyon. Puwede rin siyang magdemanda kung gusto niya.

At iyan mismo ang ginawa sa atin ni Manila Vice Mayor Danny Lacuna. Inihabla tayo ng libelo kasama ang ilang pahayagan. Ito’y tungkol sa panawagan ni Engr. Ramon Flores ng isang government watchdog group na dapat isailalim ang bise alkalde sa lifestyle check. Ang batayan ni Flores ay ang "marangyang mansyon" ni Lacuna sa Sta. Mesa at ang kanyang diumano’y luxury cars na hindi makakayanang bilhin sa suweldo ng isang bise alkalde.

Dahil sa ulat na ito, nag-imbita pa si Lacuna ng mga reporters upang ipakita ang kanyang sinasabing marangyang mansion sa Sta. Mesa at ang mga sinasabing de luhong sasakyang pag-aari niya. Gusto niyang patunayan na hindi marangya ang kanyang bahay at hindi de luho ang kanyang sasakyan gaya nang ipinaparatang sa kanya. Inilathala rin natin ang panig niya. Sumunod na dagok kay Lacuna ang reklamo ng ilan niyang kapitbahay hinggil sa isang KTV-bar na nag-ooperate sa harap mismo ng kanyang kontrobersyal na bahay. Hindi raw matinag-tinag ang KTV-bar porke si Lacuna mismo ang may ari nito. Inirereklamo pa na sa loob ng bar ay may nagaganap na pagsusugal.

Kung hindi kay Lacuna ang KTV-bar na kinukuwestyon, bakit pinababayaan itong mag-operate sa harap mismo ng kanyang bahay at sa kabila ng reklamo ng mga taumbayan? Iyan ang isa pang dapat ipaliwanag ni Vice Mayor.

DAHIL

INIHABLA

INILATHALA

INIREREKLAMO

IYAN

MANILA VICE MAYOR DANNY LACUNA

RAMON FLORES

VICE MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with