^

PSN Opinyon

Metro Manila mayor may chiching na bold actress

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
Alam n’yo bang mahilig pala sa mga bold actress ang isang mayor sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubwit , 47 days na lang at eleksiyon na. Happy birthday muna kay Atty. Pia Cayetano ng K-4; former vice Mayor Pacifico "Picong" Santos ng Taguig; Samuel Gayatin ng Lipa City; Ursula San Pablo Topacio, Milagros Malate at Remey Pagdilao ng Pinili Ilocos Norte.
* * *
Alam n’yo bang matulis din pala ang isang mayor sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubwit, tahimik lamang si Mayor subalit may pagka-pilyo pala sa chiching. Mahilig pala si Mayor sa mga mestisang bold actress.

Ayon pa sa aking bubwit, mahilig palang magregalo si mayor sa kanyang chiching kaya siya nabuking. Nabisto ni Misis ang illicit love affair ni Mayor at ng bold actress dahil sa ipinabiling regalo.

Sa dinami-dami ba naman kasi ng puwedeng mautusan ni Mayor na bumili ng regalo para kay actress… si misis pa ang nautusan.

Ayon sa aking bubwit, ang rason kaya si Misis ang pinabili ni Mayor ng regalo ay upang hindi siya pagdudahan. Kunwari ay regalo ito para sa kanilang supporter.

Kaya lang, malakas ang pakiramdam ni Misis.

Nagduda siya kaagad nang isakay sa kotse ni Mayor ang nasabing regalo.

Ang ginawa ng kumander ni Mayor ay sinita yung bodyguard ni Mayor.
* * *
Mukhang magaling sa interrogation si Misis, nagkabulul-bulol yung security kaya nabisto tuloy na iba ang pagbibigyan ng kaniyang mister doon sa naturang regalo.

Umamin ba yung bata mo mayor?
* * *
Ayon sa aking bubwit, ang mayor sa Metro Manila na nabuking ng kaniyang misis na may affair pala sa isang ST actress ay walang iba kundi si …

Nagtaka talaga si misis dahil sa Rustans ba naman kasi pinabili yung regalo. Halatang very special ang kaniyang pagbibigyan.

Ayon sa aking bubwit, ang maganda at mestisahing actress na naging siyota ni Mayor ay si…

Pilya ang ST actress na ito.

Kasi, nang hindi pa masyadong sikat, pumunta ito sa DZRH, nagpa-interview sa aming showbiz reporter na si Tita Swarding.

Akalain n’yo ba namang natipuhan niya ang aming news director na si Andy Vital at biglang dinakma ang kanyang "Barangay chairman."

Pilya ang babaeng ito. Pilya rin ba ito sa kama Mayor?

Ang ST actress na siyota ni Mayor ay si actress C.R.

At ang mayor na tahimik at simple lang subalit matulis pala at nagkasiyota pa ng bold actress ay si Mayor C. as in Charlie.

vuukle comment

ACTRESS

ALAM

ANDY VITAL

AYON

LIPA CITY

MAYOR

METRO MANILA

MISIS

PILYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with