^

PSN Opinyon

Color blind test

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BUMABATI ako ng Happy 18th Anniversary sa Pilipino Star NGAYON.
* * *
Saksi ang BANTAY KAPWA sa isinagawang pagsusuri sa ilang nagrereklamo ng color blindness. Si Dr. Fe Flores-Cataquiz ay nagbigay ng color blind test sa mga lumapit sa kanya habang nagdaraos ng isang medical mission sa Bacood, Sta. Mesa, Maynila kamakailan ang grupo ng mga volunteer public servants kung saan ay kabilang si Dr. Fe na isang leading optometrist. Ipinaliwanag ni Dr. Fe ang color blind test na tinaguriang Ishihara test na isinunod sa pangalan ng imbentor ng naturang test na si Dr. Shinobu Ishihara, bantog na professor sa University of Tokyo. Ayon kay Dr. Fe mahalaga ang maliwanag na paningin.

Malaking kahulugan kung ang paningin ay mag-kakaroon ng problema gaya ng hindi pagkakita sa tunay na kulay ng isang object. Kadalasan ang problema ay sa tinatawag na red-green deficiency ng pasyente. Hirap silang matukoy ang tunay na kulay. Ang mga tingin nila sa mga kulay na pula at berde ay gray o kulay abo.

Ipinaliwanag ni Dr. Fe na ang Ishihara Test ay mayroong 15 plates color combination na pinatitingnan at pinapabasa sa pasyente. Sinabi niya na hanggang ngayon ay wala pa ring katiyakan kung ano ang sanhi ng color blindness. Batay sa pahayag ni Dr. Ishihara ang problemang ito sa paningin ay congenital o namamana at hanggang ngayon ay wala pa ring gamot sa naturang vision defect.

Namahagi ang grupo nina Dr. Fe Cataquiz ng libreng salamin sa mga mahihirap at may diperensiya sa mga mata sa kanilang outreach program. Para sa karagdagang kaalaman sa color blind test, sa computerize eye refraction at iba pang problema sa mata, sumangguni kay Dr. Fe Flores Cataquiz sa pagtawag sa 532-9015 at 0919-4766804.

vuukle comment

DR. FE

DR. FE CATAQUIZ

DR. FE FLORES CATAQUIZ

DR. FE FLORES-CATAQUIZ

DR. ISHIHARA

DR. SHINOBU ISHIHARA

IPINALIWANAG

ISHIHARA TEST

PILIPINO STAR

UNIVERSITY OF TOKYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with