^

PSN Opinyon

Guingona ginawang bida ni FPJ

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMI ang nagulat sa ginawang paglipat ni Vice President Tito Guingona sa kampo ni Fernando Poe, Jr. Ang hindi maintindihan ng marami ay kung bakit hindi naging maayos ang pakikitungo ni Guingona kay GMA samantalang sa dami ng mapagpipilian siya ang pinili at itinalaga bilang bise presidente nang maupo si GMA bilang pangulo ng manaig ang People Power na matanggal si dating President Joseph Estrada. Maliban sa pagiging vice president ginawa ring Secretary of Foreign Affairs ni GMA si Guingona na hindi rin nagtagal sapagkat naging magkasalungat ang prinsipyo ng dalawa.

Naging katawa-tawang pagmasdan ang dalawang pinakamataas na pinuno ng ating bansa na para bagang katulad ng mag-asawang naninirahan sa iisang bubong na hindi naman nag-uusap at nagsasama ng maayos. Ang masakit pa nga ay malimit pa ngang tinitira ni Guingona ang pamamalakad ni GMA. Kung kaya marami ang humuhula noon na tatakbo at lalabanan ni Guingona si Mrs. Arroyo sa pagka-presidente subalit, hindi ito nangyari.

Marami ang nabigla kung ano ang dahilan at lumipat kay Fernando Poe, Jr. sumama si Guingona at hindi sa ibang presidentiable na katulad ni Raul Roco na halos katulad niya ang uri ng prinsipyo at pamumulitika.

Bakit si FPJ ang pinili ni Guingona? Alam ni Guingona na si FPJ ay napapaligiran ng mga pulitikong mahigpit na nakalaban niya noong panahon ni Erap. Bakit kaya? Sagot naman nila. Siguro binigyan siya ng pansin ng kampo ni FPJ. Kasi, ginawa siyang Adviser on Governance and Public Policy at inaasahan niyang magkakaroon siya ng aktibong papel at pakikialam sa gobyerno kapag nanalo si FPJ. Aber, tingnan nga natin kung ano ang mangyayari?

BAKIT

FERNANDO POE

GOVERNANCE AND PUBLIC POLICY

GUINGONA

JR. ANG

MRS. ARROYO

PEOPLE POWER

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

RAUL ROCO

SECRETARY OF FOREIGN AFFAIRS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with